chapter three

18 0 1
                                    


Harona pov

Tumigil siya sa pagsasalita at biglang napatingin sa direksyon ko.

Nagtama ang mga mata namin.

(- . -).....siya
(=.=)...ako

Pagkatapos ngumiti siya..

(^ . ^)...siya
(0_0)..ako

Iniiwas ko bigla ang aking mga mata. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Nakakahiya. Hindi ko nakayanan ang mga titig niya.  Grabe naman siya makatingin. Nakakatunaw. Pero gwapo nga siya.

Napansin kong nakatingin na rin sa akin ang mga kaklase ko pati na rin ang katabi ko nang may halong pagtataka, dahil sa direksyon ko nakatingin ang bago naming kaklase. Nahiya naman ako bigla.

"Ano ba yan nakakahiya" bulong ko habang nakatungo.

"Ikaw na ang bahala kung saan mo gustong umupo mr. Ayame, marami namang bakanteng silya." narinig ko pang turan ni sir.

Sana lang malayo sa akin. Napatingin ako sa likuran ko.

Shemay may bakante sa likuran ko. Sana hindi ito ang mapili niya. Marami namang bakanteng upuan dito. Hindi ko siya magawang tingnan. Nawala na ang lakas ng loob kong tingnan ulit siya. Nakatungo lang ako. Naririnig ko lang ang mga yabag niya. Bakit parang  palapit ng palapit ang mga yabag niya sa kinaroroonan ko.

Please huwag dito. Dasal ko...

Tumigil na ang yabag. Napansin ko na lang ang dalawang sapatos na nasa tapat ng desk ko.

"Oh my".....

Napatingala ako bigla sa may ari ng mga sapatos na yon.

Wala ng iba

siya nga.

Bakit dito pa.

"Hi," nakangiting  bati niya. Napatingala ako bigla..............

(0_0)

Bakit ganito. Wala akong masabi.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya.

(^_^)....ngumiti siya at dumiretso na sa likuran ko. Narinig ko na lang ang pag upo niya.

Pakiramdam ko na hypnotize ako sa mga titig niya. Ano ba yan, ano lang ang sasabihin niya tungkol sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tingnan lang siya. Nakakahiya na talaga.

Naramdaman ko na lang ang pagtitig ni Henary sa akin. Kung makatingin siya parang may nagawa akong kasalanan. Binuka niya ang mga labi niya at binigkas ang mga katagang.....I

Magkwento ka mamaya.

*sigh*

Nagsimula na ang klase namin, subalit wala akong naintindihan kahit isa sa mga sinasabi ni sir. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko pinagmamasdan niya ako mula sa likuran ko. Ni hindi ko magawang lingunin man lang si Henary, dahil baka kung saan na naman ako mapatingin. Nakatuon lang ang mga mata ko sa harapan.

Natapos ang una at ikalawang subject namin nang wala man lang akong naintindihan.

..._________.....______...______....

*sigh*

"Pang sampu mo na yan," nabaling ang atensyon ko sa katabi ko. Nasa cafeteria kami ngayon.

"Ba't hindi mo sinabi sa akin na magkakilala pala kayo ni ryosen ha, akala ko bestfriend tayo," paghihimutok niya. Nagdrama na naman siya.

(?_?).. "Ryosen.???"

"Oo si Ryosen Ayame yon ang pangalan niya.Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan na parang hindi mo alam."

(Ryosen pala ang pangalan niya,   isip ko.)

"Pero hindi ko naman siya kilala eh. Kanina ko lang siya nakita. Nagulat nga rin ako ng batiin niya ako kanina," sabi ko.
(-.-).. ....

Ano ba yan hindi siya naniniwala sa akin. Well kilalang kilala na namin ang isa't isa ni Henary. Kaya nga naging magbestfriend kami eh. Yang mga tingin nayan. Alam na alam ko ang ibig sabihin.

"Talaga lang ha,"paninigurado niya.

"Promise ngayon ko lang siya nakilala, nakita mo rin di ba, nagulat din ako sa ginawa niya."depensa ko.

"Well, ok. Sige sabihin na natin yon, eh bakit kanina kung makatitig ka sa kanya wagas. Napansin ka rin ng mga kaklase natin. Ngayon lang kita nakitang ganun," dagdag niya pa.

Tama siya, kahit sino napansin din yon. Hindi ko naman kasi maipaliwanag eh. Yong mga mata niya nakita ko na yon dati.

"Hindi ko rin alam, ewan ko ba pero parang nakita ko na siya dati, hindi ko lang matandaan,"sambit ko pa..

"Napansin ko rin panay ang tingin niya sayo kanina. Sa tingin ko interesado siya sayo... Sayang  crush ko pa naman siya. Pero nakuha mo na agad siya..." palungkot na pagkakasabi niya.

"Ano na ba yang sinasabi mo. Pwede ba. Imposible yon no.." segunda ko sa sinabi niya. Imposible talaga yon. Pero hindi nga kaya..naku erase erase.., malabo yon..wag kang asyumera Harona. Ininom ko na lang ang juice na binili ko, kung ano anu ang pumapasok sa utak ko..

"Malay mo. Bagay naman kayo eh. Boto ako sa kanya." sabay subo ng sandwich na hawak niya.

*cough...cough...*nakakainis nabilaukan ako ng juice. Ang sakit sa lalamunan. Sabay hawak ko sa lalamunan ko.

"Okey ka lang, dahan dahan kasi."

Nag nod na lang ako. Nagulat lang ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang siya narinig ng ganyan. Madalas kasi wala  siyang paki alam sa mga lalaking nagpapapansin sa akin. Tapos ngayon, sinabi niya,  bagay kami ng lalaking yon. Anong meron sa lalaking yon at napansin din siya ni Henary..











"seven stones"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon