chapter five

28 0 0
                                    

Harona's pov

"Alam mo tigilan mo na kasi ang panunuod ng mga anime na yan, kaya pati sa panaginip dinadalaw ka na... " sambit niya lang..

Sinundan niya pa ito ng isang tawa.

"Hahahahhhh...."sinamaan ko siya ng tingin...

Nakakaasar naman oh...tawanan ba naman ako..(*~*)

"Pasensya naman oh..hindi ko mapigilan eh,..phhhht.." pagpipigil pa sa tawa nito. "Ikaw ba naman mahulog sa bangin,... tapos sasabihin mo sa kama ka  lang pala nahulog....."

"Eh...,sa ganun naman kasi yong nangyari, malay ko bang malikot pala ako matulog, Henary naman..."

"Sorry..sorry na.,, kasi naman..pphhht..
Huwag mo na lang ulit gawin yang pag papout mo,..hahaha.. lalo lang akong natatawa sa ginagawa mo eh....
..hahahah...."dugtong pa nito.

"Ano.." (?_?)

"Ang cute mo talagang asarin.."

"He na ry......"

"Okey...okey, hindi na ako tatawa,...
pero seryoso na ako Harona, tigilan mo muna yang panunuod mo ng anime, para hindi ka na nila dalawin sa panaginip mo..kaya naman tigilan mo na ang kakaisip kung totoo ba o hindi ang nangyari sayo." Seryosong saad nito.

Tama siya imposibleng maging totoo ang panaginip na yon.. Panaginip nga di ba..
Imposible nga yon.

Pero bakit...? Ramdam ko parin....
Sabay tingin ko, sa kamay na hinawakan ng misteryosong lalaking yon.

"Ang mas dapat nating isipin ngayon ay ang tungkol kay Ryosen."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit naman nasali si Ryosen sa usapan namin?

"Ano namang tungkol sa kanya?"

"Kung bakit ganun ka na lang niya tingnan,....?"tumigil siya at ibinaling ang tingin sa harapan na tila ba may kung anong tumatakbo sa isip nito.

Ibinalik niya ang tingin sa akin.
"Sigurado ka ba talagang hindi mo pa siya nakilala..?"pagtatakang tanong nito.

"Oo naman, sigurado ako. Ngayon ko lang siya nakilala, pero...." pag aalinlangan kong tugon dito.

"Pero ano?"...

"Pakiramdam ko kasi nakita ko na siya, hindi ko lang maalala kung saan?."

"Ibig sabihin niyan, posibleng nakilala ka na rin niya, kaya siguro ganun  ka na lang niya tingnan kanina.... Alam mo bang kung makatingin siya sayo mula sa likuran,. kakaiba talaga, masasabi kong may alam siya.....ang nakakapagtaka lang, kung kilala ka niya bakit hindi mo siya maalala?"

"Alam mo, imposible yang sinasabi mo, kung nakilala ko na talaga siya hindi ba dapat natatandaan ko siya, kaya lang hindi eh,..saka isa pa matatanda lang ang nagiging makakalimutin, ang bata ko pa para maging ulyanin noh..."

"Tama ka nga dun,..hindi rin ang uri ni Ryosen ang madaling makalimutan..." makahulugang sang ayon nito..
"ahhh...alam ko na, bakit hindi na lang natin siya tanungin kung kilala ka niya talaga o hindi..,?"dugtong nito.

"Ano..?" Nagbibiro ba siya."Kung ano ano na yang pumapasok diyan sa utak mo."

"Ano ka ba wala namang masama kung tatanungin lang natin siya,..huwag kang mag alala ako na lang ang magtatanong, oras na dumating siya ngayon."

Seryoso talaga siya. Bahala na nga siya, tama din naman siya sa sinabi niya.

Makalipas pa ang ilang minuto. Hindi dumating si Ryosen. Malapit nang matapos ang breaktime, pero wala pa rin siya.

Hanggang sa dumating na ang oras ng klase. Halos lahat ng kaklase ko nasa loob na, pero si Ryosen, wala pa rin. Mabuti na lang, pati si sir, hindi pa rin dumarating.

Ano kayang nangyari?

30 minutes past......

"Harona...Harona"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

"Mabuti naman, nagising ka na." nakangiting bungad sa akin ni Henary.

Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan. Anong oras na ba?

Sinulyapan ko ang silyamg nasa likuran ko.
Wala pa rin siya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Sir, kasunod nito ang taong hinihintay namin.

"We'll sorry class, nalate kami. May kinailangan pa kaming tapusin bago pumasok dito."hinging paumanhin nito
Nilingon niya si Ryosen. "Maupo ka na sa silya mo, Mr Ayame."dagdag pa nito. Sumunod naman si Ryosen.

Nag umpisa nang mag discuss si sir. After an hour natapos din ang lesson. Hinihintay na lang naming tumunog ang bell para sa lunch break.

"By the way class, we will be having a halfday today, magkakaroon kasi kami ng meeting, kaya naman, pwede na kayong umuwi, after ng klase ko."sambit nito habang inaayos ang mga papel na nasa desk niya.

Natuwa ang ilan sa mga kaklase ko. May ilan pang nag high five. Makakauwi na pala ako ng maaga.

"And  Miss Lee."tawag ni sir sa akin.

Tumayo ako. Bakit kaya?

"Pwede mo bang ilibot si Mr. Ayame sa campus after my class."dagdag pa nito.

"Yes, sir."naupo ako matapos kong sumagot. Napansin kong nag thumbs up pa si Henary sa akin.

"Thank you."

Napalingon na lang ako bigla nang marinig ko si Ryosen mula sa likuran ko. Nakangiti  ito.

"Welcome,"nakangiting sagot ko.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"seven stones"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon