chapter one

25 0 0
                                    

"Harona.......Harona........Harona"...

"Sino yan," tanong ko sa tinig na tumatawag sa akin.?

Iminulat ko ang aking mga mata upang makita ang taong tumatawag sa pangalan ko. Isang malawak na kakahuyan ang tumambad sa akin. Nasa gitna ako ng isang gubat.

Bigla akong nanginig nang maramdaman ko ang pagdampi ng ihip ng hangin sa katawan ko. Ngayon ko lang napansin na manipis lang pala ang suot kong damit. For crying out loud naka damit pantulog lng ako.

"Panaginip lang to di ba," hindi makapaniwalang sambit niya sa kanyang sarili, panu ba naman kasi hindi niya matandaan na lumabas pala siya ng bahay kanina, eh ang pagkakatanda niya natutulog lang siya sa kwarto niya tapos paggising niya ito ang makikita niya.

Isang lugar kung saan may mga punong nagtataasan at kung hindi siya nagkakamali alas nuebe na ng gabi nang  nakatulog siya kanina, pero bakit ngayon maliwanag pa rin dito sa gubat. Well ipinagpapasalamat niya na rin na maliwanag dito, dahil kung hindi baka lalo siyang natakot kung masisilayan niya ay isang madilim na kakahuyan. Katakot kaya yon. Ginawa niya ang madalas na ginagawa ng marami upang magising sa panaginip.

"Aw , bakit masakit"? daing niya. Kinurot lang naman niya ang pisngi niya upang matapos na ang panaginip niya, pero mukhang nagkamali siya.

"Waaaahhhh" malakas niyang sigaw.. Mukhang ngayon palang niya na realize na hindi nga siya nanaginip.

"Hindi ba talaga to panaginip," kasabay  ng pagsampal niya sa pisngi niya at pagpikit ng mga mata niya, tatlong ulit din niyang ginawa yon upang maging effective talaga subalit nang idilat niya ang kanyang isang mata, at tiningnan ang kinaroroonan niya, nasa gitna pa rin siya ng gubat. Unti unti na siyang nakakaramdam ng kaba.

("Ano ba talagang nangyayari panu ako napunta dito. Nasan na ba ako?") Tanong niya sa isip niya..

Inihakbang niya ang kanyang paa. Nakaramdam siya ng konting sakit nang maka apak siya ng isang matulis na sanga ng puno. Nakapaa lang pala siya, bakit ba hindi niya naisipang magsout man lang ng tsinelas. Naiinis siya sa naisip niya. Paano nga naman niya maiisip yon eh hindi nga niya alam kung panu siya napunta sa lugar na yon.

Lakad lang siya ng lakad, nagbabakasakaling makalabas siya sa gubat na yon at makahanap ng taong mapagtatanungan. Hindi na niya matandaan kung ilang minuto o oras ang lumipas. Patuloy pa rin siya sa paglalakad, subalit wala kahit na sino o ano man lang siyang nakita. Tanging nagtataasang puno at mumunting  insekto lang ang napapansin niya simula pa kanina.

Hindi na niya alintana ang pagod at hapdi ng paa niya. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang kung paano makakaalis sa lugar na yon. Mabibilis na hakbang ang ginagawa niya hanggang sa tumatakbo na siya, ngunit hindi pa rin niya makita ang dulo ng gubat na yon. Hindi na rin niya pinapansin ang inaapakan niya, bigla siyang nadapa. Sinubukan niyang tumayo subalit naramdaman niya ang hapdi at kirot ng paa niya. Umupo siya upang tingnan ang humahapding parte ng paa niya, nakit niya ang isang tinik na bumaon sa kanyang paa. Agad niya itong tinanggal.

"Papa, " mahina niyang tawag sa ama niya. Pinahid niya ang mga luhang kanina pa tumutulo mula sa mga mata niya. Hindi niya mapigilan ang mabilis na pagbuhos ng mgaito. Wala siyang magawa kundi ang umiyak dahil sa kaba at takot na nararamdaman niya ngayon. Iyak lang siya ng iyak. Hanggang sa lamunin na siya ng antok dahil sa pagod.

Mula sa pagkakatulog, bigla siyang naalimpungatan ng makarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya.

(Harona 'pov)

"seven stones"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon