LJS

35.4K 445 34
                                    

(Chapter 1)

LIA'S POV

Maaga akong ginising ni Mommy. Nakakainis! Sarap na sarap pa naman ako sa pagtulog.

"Anak, gumising ka na. A-alis na ako. Ito na 'yung pera mo. One week akong mawawala sa bahay kaya ikaw na muna bahala sa sarili mo." Wika ni Mommy habang niyuyugyog yung katawan ko para magising ako. Tuloy bangon naman ako. Nang makaupo na ako ay tuloy upo narin si Mommy sa tabi ko. Nakapang-alis na nga siya ng damit at may malaki itong bag na dala.

"Bakit po ba? Saan po ba kayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang papungay-pungay pa ang aking mga mata. Medyo inaantok pa kasi ako eh.

"Anak biglaan eh, aasikasuhin ko yung titulo ng lupa natin. Pupunta ako sa manila ngayon," sagot ni Mommy na sabay naman kiss sa noo ko. Sumimangot ako.

"Mommy, bilisan n'yo po ang pag uwi ah? Alam nyo naman po 'yung ugali ni Tita bhecca 'diba?" Nakangwi kong sabi sa kanya.

Si tita bhecca ay kapatid ni Mommy na sobrang inis na inis at suklam na suklam saakin, kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Kaya naman natatakot ako sa kanya, lalo pa't mawawala pa si Mommy nang one week. Naku! Baka mag kulong nalang ako nito sa kwarto ko nang isang linggo.

"Anak, Nandyan naman ang papa mo ah?" Wika ni Mommy.

"Ano pong nandyan, eh, alam nyo naman pong minsan lang umuwi 'yun sa isang linggo. Nando'n siya sa mga kaibigan niyang mga sabunggero at do'n inuubos ang mga pera na binibigay n'yo. Grabe 'yang si Papa! Dapat Mommy pinag sasabihan n'yo 'yun," sagot ko sa kanya with matching kamot pa sa ulo.

"Oh, siya, basta uuwi ako kapag natapos ko nang maaga ang mission ko. Basta anak, magpaka-bait ka na lang muna dito." Gusto ko sanang sumama sa kanya, kaya lang mukhang hindi pwede.

"Basta Mommy, umuwi po kayo kaagad. Ingat po kayo." Sabi ko at saka nag kiss sa pisngi niya.

Pag kaalis ni mommy ay lumabas narin ako ng kwarto ko, nakaramdam nadin kasi ako nang gutom.

Medyo lilingap-lingap ako, kasi baka mamaya ay nandyan si tita bhecca, natatakot talaga ako sa kanya.

Pero nagulat nalang ako kay Jamaica nang bigla niya akong batiin.

"Goodmorning, Ate Lia," nakangiting bati ni Jamaica sabay kumaway saakin.

"Goodmorning din, Jamaica," walang emosyon kong sagot sa kanya. Na kay Tita Bhecca kasi ang atensyon ko. Nililingap-lingap ko ang buong bahay pero ni anino niya hindi ko nakita.

"Ano ba Ate Lia, naliliyo na ako sayo, kanina ka pa diyan ikot ng ikot. Sino ba hinahanap mo? Si Mommy ba? Wala siya, maagang umalis kaya 'wag ka nang lingap ng lingap diyan at akoy naliliyo na saiyo," Natatawang saad ni jamaica. Bigla akong nahimas-masan sa sinabi n'ya. Ngayong alam ko nang wala pala si Tita Bhecca ay malaya na akong makakagalaw sa bahay.

"Ano ang niluto ni manang na breakfast ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Nagluto s'ya ng Fried rice, Egg, Bacon, Longganisa at Hotdog," sagot niya habang patuloy parin siya sa pag susuklay ng buhok. Mukhang papunta na siya do'n sa meeting place namin dito sa Ljs Village.

Revenge Of Lia (Available on Ficfun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon