Chapter 4 – Let’s end this up
^^Stacy’s POV
Okay na sana… Pero, pag-uwi naming bigla akong naluha nung sinabi ni Papa na “papatigilin ka namin sa sa pag-aaral pag nalaman kong kayo pa ng lalaking ‘yun, NAIINTINDIHAN MO BA, STACY?!!”
Hanggang dito sa taas, sa loob ng kwarto ko, nagpapanting pa rin ‘yung mga sinabi ni Papa. Wala akong magawa, di ako makatanggi lalo pa na pag-aaral ko na ang isyu.
Grounded pa rin ako sa cellphone kaya tatlong araw na wala akong alam tungkol sa school, sa mga kaklase ko at lalo na sakanya, ang Bebe ko. :’( :’( :’(
...
Pagdating nang hapon, uwian na ng mga kapatid ko. Biglang kumatok, si Siam… (tok..tok..tok…)
Stacy: Baket Si?
Siam: Ate, buksan mo po ‘yung pinto, may sasabihin ako.
Stacy: Bukas na.
Siam: Ate! Nagtext si Kuya Florence. Kamusta ka na raw? Magkita raw kayo sa gym after ng rehearsal nyo. (Nagkakilala sila dahil magkakasama kaming nag-EK before)
Stacy: Talaga?! Pakisabi, sige. May gusto rin akong sabihin sakanya…
Siam: Sige ate, magbati na kasi kayo!
Hayyy, Kung alam mo lang Bro…
1,
2,
3...
After 3 days…
Nasa tapat na ako ng school…
Naluluha-luha akong pumasok at tinitingnan ang gate na malapit sa pinangyarihan.
Siguro, ngayon ko na dapat gawin…
Ngayon ko na dapat sabihin…
^^Florence POV
Andito ako ngayon sa Gym, naka-upo at nakasandal sa dingding. Ewan, bigla nalang ako napatitig sa Ring ng Basketball court…
Bigla ko naalala, kung paano siya nakatingin sa akin para sumuporta sa paglalaro ko. Tanda ko pa nung una kaming nagkita, sa court din na ‘to…
Bigla ko siyang nakita pagkatapos ko makapagthree points na shoot. Bigla na lang din ako, ginanahan at sunod-sunod na pasa at shoot ang nagawa ko. Sana nga kami na talaga dahil ang swerte ko na sakanya… Matalino, Mabait, Maganda, Mahilig din sa sports, kaya lang… Minsan, sinabihan niya ako na tama na ang basketball kasi konti nalang parang tore na raw ako sakanya…
Teka nga, nasaan na kaya siya?
^^Stacy’s POV
Paakyat na ako nang makita ko si Florence na nag-i-imagine na may hawak na bola at nagshu-shoot.
Napangiti ko, kasi bigla ko naalala kong gaano siya kaliksi nung last intramurals. Halos siya ang nagshu-shoot. Mamimiss ko ‘yun… Mamimiss ko siya…
Florence: bebe!!! :* (flying kiss lang)
Stacy: Hi Bebe! :)
Florence: may problema ka ba?
Stacy: mm, walaaaa. Wag mo ako pansinin :P
Florence: Pwede ba naman ‘yun? Eh bebe kita at love kita… hehehe
Stacy: Florence…
Florence: (Nagulat. Nagtaka, kasi tinawag ko siya sa pangalan niya lang)
Stacy: Sorry…
Florence: Bakit? Bakit ka umiiyak Bebe ko?
Stacy: Di gusto ‘to pero kailangan. Sana maintindihan mo…
Florence: Ano ba ‘yun Bebe ko? Kinakabahan ako sayo e.
Stacy: Let’s end this up, kung tayo, tayo pa rin hanggang huli.
Florence: Kung mahal mo ako, di mo ako iiwan.
Stacy: Mahal kita Florence. Ginawa ko naman lahat ng magagawa ko pero hindi ko na kaya… :’(((
Florence: I beg you Stacy! Please, let’s make a deal… Gawin nalang nating sikreto ‘to. Wag ka lang mawala sa akin. :’(((
Nawala na akong nasabi at tumakbo nalang ako ng mabilis pababa sa Auditorium…
Di na ako nagsalita o kaya umimik man lang, dahil ayoko na magalit siya sa magulang ko. Mas gugustuhin ko pang kamuhian niya ako. At mas hihilingin ko pang makahanap na siya ng iba para makalimutan ako… Kahit na masakit… Okay lang… Okay lang ako…
♪♫ Ok Lang Ako Lyrics♪♫
Parokya ni Edgar
Chorus
Ok lang ako, ok lang ako
Lahat ay aking gagawin,
Pikit matang tatangapin,
Mas kayang masaktan paminsan minsan
Wag ka lamang mawala ng tuluyan
- END of Super flashback
A/N: Sorry po sa sobrang kabaduyan ko, nag-enjoy po kase akong i-elaborate yung Flashback.. :)
Para na rin, mas interesting. chos! ^________^ puweeeee. <3
BINABASA MO ANG
Hello, Goodbye
Fiksi RemajaLeaving something will lead to a better result. Others failed to it, but most are happy after it. This is a story of a College girl who wants to overcome his Ex-Boyfriend... Not knowing that a right man is on his way to have her :3