Bangungot

80 4 1
                                    

Sa loob ng kanyang Bangungot:
Naggising ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin saakin,laking gulat ko nang mapansin ko na wala ako sa aming bahay,dahil nasa kagubatan ako.Agad-agad akong tumayo at naglakad upang humingi ng tulong.Hindi sa kalayuan ay napansin ko na may taong nakatayo at nakatingin sa kawalan,hindi ko makita ang muka nito,dahil nakatalikod ito.

Agad-agad ko itong linapitan at tinanong "Nasaan po ba ako?" hindi ito sumagot,kaya tinanong ko ito ulit.At sumagot na ito "Wala ka nang magagawa dahil mamatay kana dito" At pagkaharap nito ay napansin ko na may hawak itong palakol.At napatakbo na lamang ako dahil sa takot mamatay.

Panay tingin ko sa aking likod upang tingnan kung malapit na ito saakin kitang-kita ko dito ang nakakatakot nitong ngiti at tawa nang tawa ito.

Laking saya ko nang mapansin ko na may bahay,hindi na ako nagdalawang isip at agad pumasok.Nasuka ako sa aking mga nakita mga katawan nang tao na wakwak ang mga tiyan at iba ay nakasabit ang mga ulo,kitang-kita ko ang mga laman loob nito na nakakalat sa sahig.

Agad ako napalingon nang mapansin ko na sinusubukan nito buksan ang pinto.Nawawalan na ako nang pag-asa sa mga oras na iyon,ngunit nang marinig ko ang isang misteryosong boses "Nasa loob ka nang panaginip mo ngayon,kung gusto mo pa mabuhay ay kailangan mo patayin ang halimaw na yun" Pagkarinig nito ay agad akong naghanap nang bagay na makakapatay dito,sakto naman na nakita ko ang isang palakol na nakabaon sa katawan nang isang taon,kahit diring-diri ako ay naglakas loob parin akong kinuha ito at sinabi ko saaking sarili "Kung ito lamang ang tanging paraan para magising ako ay kailangan ko itong gawin" At saka nagtago ako sa gilid nang pinto at naghihintay na masira ang pinto.Sa lakas nito ay napatalsik ang pinto.Pagkapasok nito ay hinampas ko ang palakol sa leeg nito kaya napugutan ito nang ulo,pagkatapos niyon ay nagising na ako,kahit panaginip lang iyon ay pakiramdam ko ay nangyari talaga ang bagay na iyon.

The End of Chapter 1

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pitong BangungotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon