Ayokong magsulat para sa'yo

14 2 1
                                    

Ayokong magsulat para sa'yo

Dahil ayokong dumating yung panahon

Na luha ang lumabas sa'king pluma

At ayawan ko ang pagsulat

Kapag ako'y iniwan mo.


Ayokong magsulat para sa'yo

Dahil ayokong layuan

Ang pinakamamahal ko

Para sa taong walang kasiguraduhan

Kung sasamahan ba ako.


Ayokong magsulat para sa'yo

Dahil ayokong bangungot 'kong maituring

Ang pangarap na matagal kong

Binuo, kinakamit.


Ayokong magsulat para sa'yo

Dahil ayokong magsayang ng panahon

Na magsulat para lamang

Sa taong hindi maglalaan

Ng oras sa pagbabasa.


Ayokong magsulat para sa'yo.

Hindi 'to PARA SAYO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon