Ayokong magsulat para sa'yo
Dahil ayokong dumating yung panahon
Na luha ang lumabas sa'king pluma
At ayawan ko ang pagsulat
Kapag ako'y iniwan mo.
Ayokong magsulat para sa'yo
Dahil ayokong layuan
Ang pinakamamahal ko
Para sa taong walang kasiguraduhan
Kung sasamahan ba ako.
Ayokong magsulat para sa'yo
Dahil ayokong bangungot 'kong maituring
Ang pangarap na matagal kong
Binuo, kinakamit.
Ayokong magsulat para sa'yo
Dahil ayokong magsayang ng panahon
Na magsulat para lamang
Sa taong hindi maglalaan
Ng oras sa pagbabasa.
Ayokong magsulat para sa'yo.
BINABASA MO ANG
Hindi 'to PARA SAYO.
PoesíaMay gustong batuhin ngunit walang gustong patamaan. Wag ugaliing sumalo ng hindi para sa'yo para hindi ka masaktan.