Takot

3 0 0
                                        

Itong takot na bumabalot sa katauhan at sa pumipintig upang magpaikot ng buhay


Itong takot na umaalingawngaw sa gitna ng pag iisa sa mapayapa at mabituin na gabi


Itong takot na nararamdaman sa mga katauhang nakikipaglaro lamang sa isipan


Itong takot na hindi na muling sisikat ang araw sa silangan at lulubog sa kabila


Itong takot na may mawawala at wala kang mapapala


Itong takot na pumipigil saiyo sa pagiging malaya



Ay siya ring takot na humahadlang sayo sa pagiging masaya.

Hindi 'to PARA SAYO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon