Magaling ka.
Magaling ka
kapag wala ka ng makausap
bukod sa akin.
Magaling ka
kapag ika'y gipit na
at wala ka ng malapitan
kundi ako.
Magaling ka
kapag may dapat kang itanong
at ako lang
ang may alam ng kasagutan.
Magaling ka
kapag wala ng nakikinig sayo
at ako nalang
ang nakikita mo.
Magaling ka
kapag may bagay
kang gustong hiramin
o di kaya'y hingiin.
Magaling ka.
Magaling ka kapag may kailangan. :)
BINABASA MO ANG
Hindi 'to PARA SAYO.
PoetryMay gustong batuhin ngunit walang gustong patamaan. Wag ugaliing sumalo ng hindi para sa'yo para hindi ka masaktan.