Bonfire (II)

2.6K 68 36
                                    

J H O

Di pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.

I know.

So alam ni Ate Aly? All this time? Paano? Wala naman akong sinabihan. Ganun ba ako ka obvious?

Tsk. Hindi dapat yun yung iniisip ko. Ang isipin ko dapat, yung iba niyang sinabi.

Naglalakad na ako ngayon pa-field. Mag s-start na yung program pero I still can't find Bea. Pero sa iniisip ko ngayon, maybe it's best na hindi muna kami mag kasama. Kailangan ko munang mapag isa.

Hindi na kayo makakabalik sa dati. Trust me, I would know.

That sentence kept repeating in my mind. Matagal ko naman na sigurong alam eh, kaya rin nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi yung nararamdaman ko. Kaya dine-deny ko. Kaya nilalabanan ko.

Pero hindi ko na kaya. Parang puputok yung dibdib ko kapag tinago ko pa. Alam kong bawal, alam kong mahirap, pero hindi ito mali.

Mahal ko na siya eh.

Mahal ko na si Bea.

Pero tama nga si Ate Aly. Kapag sinabi ko yung nararamdaman ko, di na kami makakabalik sa dati ni Bea. Mag iiba na ang lahat. There are so many things that could go wrong.

At ang pinaka-kinatatakutan kong mangyari: Maybe she doesn't feel the same way.

Dun palang, sira na yung friendship namin. Paano kung ma-awkwardan siya? Paano kung lumayo siya? Paano kung hindi niya matanggap?

Pero hindi niya ba nararamdaman yung sparks?

Manhid at bulag lang ang hindi makakaramdam ng chemistry sa aming dalawa.

Eh paano nga kung meron? Ano na kami? Magiging kami ba? Eh bawal yun, kasi matatanggal kami sa team.

Paano kung magawan namin ng paraan, pero hindi mag work out? Paano yung friendship namin? Kaya ba namin masurvive yun?

Sabi ko sa sarili ko dati na hindi ko hahayaang ma-compromise yung friendship namin. So anuna?

Hay. Gulong gulo na ako.

I was so busy thinking about everything, hindi ko na namalayan yung nilalakaran ko.

"Oops, sorry." I said as I bumped into someone.

"Jho! I've been looking all over for you!" It was Marci. Fuck. Nakalimutan ko na nag promise nga pala akong mag ha-hang out kami sa bonfire.

"Uh, hi." I scratched my ears awkwardly.

"Kakarating mo lang?" He asked.

"Oo, iniintay ko kasi si Bea sa gym kaso hindi siya dumating." I explained.

"Oh. Well, I saw her kanina with some of your teammates." Marci shrugged.

I grabbed his arm. "Saan mo siya nakita?"

"Uh," He pointed north. "Dun sa tent malapit."

"So, do you want a drink?" He asked but I was craning my head to get a better look at the tents.

"Marci, wait lang ha. Hahanapin ko lang si Bea."

He looked crestfallen and I felt a little guilty.

"Mamaya, pupuntahan kita. Promise." I said.

"Okay." He smiled. "Mamaya ah."

I smiled and thanked him then I raced to where he pointed. Naghanap hanap pa ako and finally, I saw her with a beer in hand.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FAKING IT (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon