Chapter 1This is not as simple as what you think.

27 1 5
                                    


depression (n): shallow cavity, laziness, low spirits, dullness, lowering of pressure

Dear Dictionary,

Sana kasing simple ng definition mo ng 'depression' ang tunay na kahulugan nito. Thanks!

Sincerely Yours,

Depression Survivor

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng inisip kung paano ko tatapusin ang buhay ko. Anong paraan kaya ang gagamitin ko para tapusin na 'tong buhay kong ito?

Naisip kong maglaslas pero t*ng*na masakit 'yon. Naisip ko rin na gamitin 'yong lubid sa kwarto na ginagawa kong sampayan paminsan minsan ng mga damit kung sakaling umuulan sa labas at gamitin itong pambigti, pero kagaya ng naunang paraan, hindi ko tinuloy kasi nga PUT*NG*NA masakit nga 'yon. Puro lang ako salita, noh? Puro ko balak hindi ko naman magawa. Alam kong hinuhusgahan mo na ako ngayon.

'Yung dahilan na kaya hindi ko tinutuloy 'yang suicidal peg ko eh kesyo masakit iyon, siyempre 30% totoo 'yon! 'Yong natitirang 70% na dahilan kung bakit hindi ko naman tinutuloy kasi nga, sheeeet naaawa ako sa mga maiiwan ko... sa pamilya ko... sa iilang mabubuti kong kaibigan. Oo, iilan lang. Well, marami akong acquaintances. Marami rin akong nakakasama mag-hang out, sila 'yung mga tinatawag kong seasonal friends. hahahaha. Sila yung mgataong matapos makinabang sa'yo, ituturing ka nalang bigla na isang estranghero. Madaming ganyan sa mundo at alam ko hindi lang ako ang may nakakasalamuhang mga ganyang klaseng tao. Mga kalyo! Yes, ituring mo silang kalyo tutal I see no difference naman sa mga itsura nila.

Isa akong kolehiyala. Ang bata ko pa para sa mga pinagsasasabi ko, noh? Sabi nga nung mga pa-cool na bata sa social media, 'Too young to be stressed.' MGA IMPOKRITO'T IMPOKRITA! Pasabugan natin ng conffetti ang mga mapag-panggap!

Ang totoo n'yan, hindi ko na matandaan kung anong edad ako nang dumating sakin 'tong bangungot na 'to. Ang totoo n'yan, iniisip ko nga dati na ang O.A lang talaga ng mga suicide case na nababalitaan ko na bunga daw ng depression. Ang dahilan ko kasi, may isip ang tao, hindi ka tanga at kaya naman nating kontrolin ang mga sarili natin. Noon, para sa'kin ang salitang depression ay isang KABABAWAN.

Sa dinami dami ng pinagdaanan ko dahil sa kondisyon ko ngayon, isa lang ang napatunayan ko. Walang pinipiling edad ang depresyon. Ang sakit na ito ay parang sakit sa puso, cancer o kaya naman isang kaibigan-- traydor!

Nagsimula sa isang simpleng kapalpakan, hindi ko na rin talaga matandaan 'yung buong kwento pero ang alam ko biglang nagpatong patong, nagkadagan- dagan hanggang gumuho na ako ng tuluyan. Wala akong pinagsasabihan ng kondisyon ko. Mag-isa ko 'tong hinarap ng mahabang panahon. "Wait, akala ko ba may kaibigan ka? May pamilya ka? Bakit hindi ka nagkwento?" Hindi ako gago, S'yempre naisip ko na 'yan. Ilang beses ko ng binalak mag-open up sa mga taong ito pero hindi iyon kasing dali ng iniisip mo.

Masayahin ang pamilya ko. Wala silang panahon sa mga drama ko sa buhay. Ang tingin nila sa mga drama, isang malaking ka-kornihan lang. Kung yung mga kaibigan ko naman ang tatanungin, gustong gusto kong sabihin sa kanila pero alam mo ba kung gaano kahirap 'yung pakiramdam na ang saya saya ng kwentuhan ng barkada tapos bigla kang sisingit ng kaartehan mo? So, ayun... dahil ayokong pawiin sa mga mokong na yon yung mga ngiti sa mukha nila, hindi na rin ako nag-abalang magsalita. Tsaka kasi alam mo yung parang nababawasan yung burden ko kapag kasama ko sila. Kaya kahit sandali nakakalimutan ko yung problema ko. Kaya iniisip ko rin, paano nga kaya kung mag-suicide ako? Gulat siguro ng mga 'to. Tipong "Ano? Kahapon lang kaasaran ko yun ah!" hahahaha

Nakakagulat nga eh. Ang bilis mag-evolve, dati insecure lang ako tapos ngayon level up na. kahit ako hindi ko namalayan na humantong na ko sa ganito.

.

Why I End Up Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon