Chapter 6 For Him

16 1 4
                                    


This is for JingHipolito :)

__________________________________________________________________________________________


Tumaba lang naman ako... pero ako pa rin to.

Ako pa rin si Ley na nakilala n'yo.

Tumaba lang naman ako.

Masama ba yon?

Paanong nangyaring tumaba lang ako, nawala na lahat sa' kin?

Joke ba 'to, Lord? Nakakatawa.

Lumaki ako na ako ang bida.

Matalino si Ley, Mabait si Ley, Magaling si Ley, Nakakatuwa si Ley.

Growing up like this makes me think na kailangan kong sabayan yung mga magagandang katangian na yan with my outer look.

"Kailangan slim ka, Ley para perfect na!"

Itinatak ko yan sa utak ko habang lumalaki ako.

pero tangina,you really can't have it all.

Hindi nga ako nagmumura dati eh. Pero syempre front act lang yon para maganda impression sa'kin ng tao.

Kahit sa utak ko sinasakal na kita, outside nakangiti pa ko sayo.

kailan ako nagsimulang magpakatotoo? edi nung iwan nila ko. Imagine, ginawa mo na lahat iniwan ka pa. hahaha

hindi bad influence ang mga kaibigan ko. Alam ko sa sarili ko na matagal na kong ganito. Ang totoong Ley, mabunganga, nagmumura, makulit, matakaw.

yung mga friends ko, hindi sila B.I., inilabas lang nila ang totoong Ley. At hindi ako natakot gawin yon dahil alam kong tanggap nila ako kung magpakatotoo man ako.

Insert the song with the lyrics of ' Spread your wings, my little butterfly'

Mga ganon yung peg ko. Kumbaga sa paminta, nagladlad din ako nung college. hahahaha sa ibang aspeto nga lang.

Dahil nga naging inconsitent yung diet ko, naging mahirap na sakin ang bawiin ang timbang ko kung hindi pa ko magte-take ng slimming pills. Gaya nga ng sabi ko sa naunang chapters, nagkaroon ako ng Bolimia Nervosa.

Talaga bang ganon? Maraming nababago ang timbang ng tao? Hindi lang itsura, pati feelings nababago ng weight.. hahaha

Two years.

Two years na mutual ang feelings namin sa isa't isa. Anong nangyare? Okay naman kami ah. Okay naman kami dati. Bakit nagkaganito?

Dear boys and girls,

Nagmamahal ba kayo base sa appearance? Kung hindi, edi maganda. Kung oo, o kung sakaling kino-consider nyo sya sa pagpili ng magugustuhan, well, sa tingin ko ang unfair nyo.

Total strangers. Ganito kami ngayon. Choice namin na maging ganito kami.

I never had a boyfriend. Pero choice ko s'ya. Ang goal ko kasi, tapusin ang pag-aaral ng walang jowa. Wala lang, parang feeling ko kasi yun naman talaga ang dapat. Besides, gusto ko ring may maipagmalaki sa pamilya ko.

Okay kami sa ganung set up. Alam namin na hindi kami at hindi pa pwedeng maging kami. Napag-usapan naman namin at pareho kaming nag-agree na tatapusin namin ang schooling bago pumasok sa mga ganung bagay.

Sinabi ko sa kanya na wag muna kaming magseryoso. Kasi syempre ang bata pa nga at isa pa, hindi naman kami. so anong seseryosohin n'ya? Hindi ko s'ya kinukwento sa bahay, hindi rin s'ya nakapunta ni minsan. pero sya, gumawa sya ng mga bagay na hindi ko maiwasang umasa na seryoso na tong laalaking to sa'kin.

Why I End Up Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon