Chapter 3Outer Beauty Matters

15 1 1
                                    


May mga itsura ang mga kamag-anak ko. Karamihan sa kanila suki ng mga beauty pageant at sagalahan. Sobrang supportive ko sa mga kamag-anak ko to the point na ako mismo napapatanong kung bakit hindi nila sinusuklian yung suporta ko kung minsan.

Hindi ako magpapaka-impokrita. Normal na babae lang ako. Minsan sa buhay ko gusto ko rin masabihan ng maganda ako. Hahaha Nagtataka lang ako kung bakit kahit kunwari lang, hindi man lang ako nasabihan ng ganon ng mga taong to. Hahaha Nakakasakit din kasi minsan. Habang sila pinapalakpakan ng tao habang rumarampa, ako nasa ibaba-- taga- picture, taga-cheer, taga-bitbit ng mga gamit. Habang nagkakagulo ang mga manliligaw nila sa labas ng bahay, heto ako nagluluto ng mimiryendahin ng mga bisita nila. Pwera biro, nasasaktan ako.

Hindi ako ligawin. Ang totoo n'yan wala rin naman talaga akong balak pa dahil bata pa ako. Alam mo kung anong nakakainis dito? Porque pangit ako, ayaw nilang maniwala na choice ko na manatiling single at huwag magpaligaw muna. Pinaagpipilitan nila kasi na sadyang wala lang may gusto sa'kin. Natatawa ka siguro, noh? Okay lang, ako rin naman tinatawanan ko nalang din sila o kaya naman kapag hindi ko na kaya, hindi nalang din ako kumikibo para matapos na agad yung usapan at mapilitan silang mag-change topic.

Pupusta ako, kung sakaling nag-jowa ako noon malamang ang sasabihin nila, takot akong matauhan yung lalaki kaya pinatos ko na agad. Hahahaha kilala ko tong mga taong to, kabisado ko hulmahan nila.

Sa bawat lait na natatanggap ko araw-araw, yung mukha ko yata kumapal na ng limang pulgada. Palakas ng palakas yung tawa ko sa mga okray nila habang palalim ng palalim ang sugat sa puso ko. Padurog ng padurog yung self confidence ko.

Bawat araw paliit ng paliit ang tingin o sa sarili ko.

Kung alam lang nila kung anong naging epekto sa'kin ng mga panlalait nila simula nung bata ako.

Why I End Up Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon