Chapter 5 I'm not the only one

23 1 3
                                    


(Medyo wala sana ako sa mood na  ituloy na 'to pero sobrang natuwa ako sa mga nag-message sa akin. May mga nag-momotivate at may mga nagsasabing nakaka-relate sila sa kwento so nagdecide ako na ituloy ko na. Gaya ng talagang goal ko sa pagsulat nito, gusto ko matulungan yung mga taong pinagdadaanan ngayon yung lintek na pinagdaanan ko dati. hahaha )

Anyways, salamat sa inyong lahat! 

Nga pala, tinapos ko kasi yung OH MY Venus na k-series, natawa ako ng sobra. Feeling ko nakikita ko ulit yung sarili ko sa mga pinaggagagawa ko dati. galing! :) Tropa ko siguro writer nun. hahahaha


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(eto na talaga yung kasunod)

Two years ago may nakilala akong babae. Pano kami nagkakilala? well, mutual friends. sabi ko nga senyo marami akong nakakasama mag-hang out. So, ayun. Hindi kami close ni Ate mong girl kahit madalas ko syang nakakasama. Kaklase sya ng best friend kong lalake. Minsan kasi kapag may vacant ako at nataon na vacant din yung tropa ko na yun, nagkikita kami. Same University kami (sige, para hindi tayo mahirapan bigyan natin sila ng pangalan. But guys, I can't give their real name. For God's sake! hahaha Di naman sa nagmamaganda pero kasi, alam nyo, writing my story is one of the biggest decision I ever had in my existence. Let me keep our identity secret. hahaha this is for the sake of everyone and not because gusto ko lang magpa-mysterious. Tangna kagaguhan. So anyways, si ate mong girl ay pangalanan nating Ana at si bestfriend ko ay si Totoy. hahaha I know my best friend will kill me kapag nalaman nyang pinangalanan ko s'yang Totoy. Tae hahahaha) So anyways, kapag nagkikita kami ng kaibigan ko, madalas kasi ako yung nag-a-adjust, ako yung pumupunta sa building nila kaya nakikita ko rin mga kaklase n'ya. BAKET? mag-eexplain ako kasi taangina malamang may nagmamagaling dyan na iniisip na malandi ako kasi ako pa yung pumupunta sa lalake.

first reason- Mahirap yung kurso n'ya. Higher year s'ya kaya sobrang dugo na ng pinag- aaralan n'ya kaya kung gusto ko makausap tong taong to, kailangan talaga namin mag-extra effort dahil sobrang busy n'ya. pinupuntahan ko s'ya para di na s'ya mahirapan.

Second reason- Mas maikli yung vacant nya madalas so ako nalang ang pupunta para di aksaya sa oras yung paglakad papunta at pabalik sa mga building.

Third reason- A man and a woman can really be a good friends without falling in love. Nagiging awkward o masagwa lang tignan yang mga bagay bagay kapag may feelings na na-involve. For example, 'silence'. Pansin mo, kaya nýong umupo lang ng kaibigan mo sa isang taabi ng tahimik pero okay lang pero wag ka--- kapag may feelings involved, feeling mo ang awkward kapag walang nagsasalita. So same as pagpunta ko sa kaniya, okay lang yon kasi kaibigan ko.

Forth reason- Yung pag-a-adjust ko na yon, kulang pa yon para masuklian lahat ng suporta sa'kin ng mokong na yon. Kulang pa yon sa effort na ibinibigay n'ya sa pagkakaibigan namin. Nagkataon lang na at this point of our life, it's time para ako naman ang umeffort. Bigayan lang yan, tol!

So back to the original topic, this Ana seems really nice. Natutuwa ako talaga sa OOTD n'ya sa school. Hahaha feeling ko sobrang expressive n'ya kasi yung mga damit n'ya hindi normal. hahaha Punk ba tawag sa ganon? Di ko alam. Sorry. Basta everytime na makikita ko s'ya, matic na mapapatingin ako kay Totoy tapos bibigyan ko s'ya ng 'anong-trp-nitong-bata-na-to look' tapos sasagutin ako ng kaibigan ko sa pagbibigay ng 'shut-up-nalang-brad look' tapos deep inside natatawa talaga ako. Pero syempre, despite that, natutuwa ako kasi feeling ko ang confident n'ya. Seems like wala s'yang pake sa sasabihin n'yo.

Kami yung tipong casual lang. Everytime na makikita ko s'ya, smile lang. tapos wala na. well minsan kapag maliwanag ang sikat ng araw (ibig sabihin non, kapag good mood ako), nag-hi or hello din ako.

One day nalaman ko kay Totoy na nag-stop na daw sa pag-aaral. Nagulat ako kasi sure ako na hindi mukhang financial problem eh. Tsaka nanghinayang ako kasi DL (dean's lister) si girl. Sobrang tahimik ng pag-alis nýa. Walang napag-paalaman, walang napagsabihan. Lagi nilang iniisip kung bakit nag-stop, halos araw-araw. Sinubukan nilang tawagan o i-chat pero seen lord si Ate. Dumating yung araw na parang nawala na rin sa isip ng lahat yung nangyari. Until one day, naisipan nilang puntahan sa bahay and ayun, nalaman nilang Ana is in the hardest, darkest and roughest days of her life. DEPRESSED. Sabi ni Totoy, family problem daw pero hindi nagbigay ng masyadong details yung pamilya. So ayun, they have decided na dalawin every weekend as much as possible si girl.

Minsan talaga kahit anong sabihin mong confident o kaya independent kuno ka, dadating at dadating ka sa puntong kakailanganin mo ng taong aalalay sa'yo. Same sa na-experience ko. Pinalaki akong independent ng mga magulang ko. ako yung tipo ng taong, 'kaya ko mag-isa feels'. Hindi ko inaasa ang mga bagay bagay sa ibang tao. Lalong higit na hindi ko dinepende ang happiness ko sa ibang tao. Kaya siguro nahirapan ako nung namroblema ako kasi aako mismo nahirapan aminin sa sarili ko na kailangan ko ng tulong, kailangan ko ng taong susuporta sa'kin nung mga panahon na yon. Nagsolo kasi ako, naag-magaling na naman ako. Akala ko kaya kong harapin ng mag-isa to, akala ko kaya kong tumayo.

Nakakatawa kasi kahit sinanay ako na tumayo sa sarili kong paa, dumating ako sa puntong pinulikat na ko at kailangan ko ng tulong. Minsan, disadvantage din ang pagiging independent.

-----------------------------------------------------

Note: Mga besty, una ko kasing libro to. Hindi ko talaga alam kung anong isusunod kong kwento. random na eh. hahaha May ginawa akong outline pero naisip ko kung may naiisip kayong ikwento ko dito, like kung may tanong kayo. "Eleyna, ano yung breaking point? kelan ka talaga wasak na wasak?" then, iyon yung ikukwento ko. hahaha sorry, di talaga ako magaling sa ganito. Natawa nga ako kasi may nagbabasa pala. hahaha thanks, guys! So, ayun. Feel free to ask questions. 

Why I End Up Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon