Huli na

126 5 5
                                    

Mag iisang taon ko ng crush si Aiz pero wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Oo inaamin ko isa lang ako ordinaryong best friend niya pero yun lang ang naisip kong paraan para malapitan sya.

Malapit na ang aming semestral break, At ako naman ay babalik na sa probinsya para magbakasyon kasama ang aking pamilya. Naglakas narin ako ng loob para iabot ang nais kong sabihin para sa kanya.

"Aiz may sasabihin ako sayo" Hawak hawak ko ang liham na sinulat ko para sa kanya. Handa nakong mag confess sa kanya pero hindi pa talaga  ako handa.

Akma ko ng ibibigay ang liham na isinulat ko pero pinangunahan nanaman ako ng kaba at rejection na pwede kong matanggap sa kanya

"Masaya na ako kung anong meron kami, ayokong masira lang yung friendship na pinagkakaingatan ko, siguro kung kayo yung nasa side ko magkakaroon din kayo ng rason para ilihim yung nararandaman mo sa kanya"

I am in love with the wrong person sabi nga nila pag naramdaman mo na yung slow motion thingy sya na ang taong itinadhana sa iyo

Gas na gas na yung gwapong fictional character pero etong nilalang na ito isang syang ordinaryong boyfriend material na pwede mo ng ipagmalaki sa buong buhay mo

"Sige Aiz, I have to go baka malate pako sa trip ko papuntang Baguio" i smiled on him pero dama ko parin yung disappointment ko dahil nga hindi na fulfill yung gusto ko para sa kanya.

........ Sa bus

Bagot na bagot ako kaya I turned on my phone  para makapaglibang, tinitignan ko ang mga past convos namin ni Aiz ewan ko kung bat ganto kalakas ang tama niya sa akin para nakong naka shabu sa mga pinag gagawa kong gagahan para mapansin niya lang ako

Almost 5 hours akong nakasakay para makauwe sa amin.

Binabalot nanaman ang aking katawan ng malamig ng simoy ng hangin na siguro ay dulot ng mga nag sisipagaspas ng mga sanga ng puno ng Yakal

Mag uumaga narin kaya tanaw na tanaw ko ang Bulkan ng Mayon. Kaya umidlip muna ako ng ilang minuto ng pagkagising ko.

Nang makarating na ako sa terminal ng bus, Ako na lang pala ang nasa bus na ito dali dali akong bumaba

Hayyyy fresh air namiss ko to pramis hahah

Naghanap agad ako ng tricycle na pwede kong masakyan. At isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin habang nakataas ang aking kamay akmang papara ng isang sasakyan. Si Tito Ismael ang sumundo sa akin, namiss ko din tong tito kong toh yung mga panahong dalagingding palang ako ay nanghuhuli kami ng tutubi sa bukid

Sa wakas nakarating narin kami sa bahay. Kinatok ko ang isang mala kubong disenyo na bahay at unang bumangad sa akin si Trixie bunsong kapatid ko. Sumigaw at niyakap ako ni Trixie dahil sa pagkabigla dahil nakita akong umuwe halos mangiyak ngiyak siya dahil ngayon nalang siguro ako nakabalik sa probinsya.

"Ate Elx, wooooooohhhhhuhuhu bakit ngayon kalang bumisita." May luha sa ibabang bahagi ng kanyang mata.

"Ma, Pa, nandito na po ako" bati ko sa kanila at sabay mano bilang pagbibigay galang sa kanila

As the time flies, di ko na namalayang magpapasukan na ulit dahil sa pagtulong ko sa gawaing bahay kila mama, gusto ko ding masuklian yung lahat ng paghihirap nila.

Sumakay na ako ng bus pabalik ng Manila mahirap na makipagsabayan sa dami ng pasahero.

I texted Aiz na makipagkita sa akin dahil may importante akong sasabihin sa kanya.

"Sa tingin ko eto na yung tamang oras para aminin sa kanya yung tunay na nararamdaman ko para sa kanya hindi nako magiging torpe para magkaroon na ako ng happy ending"

Nagulat ako ang bilis magreply ni Aiz dati inaabot sya ng kinabukasan para magreply sa simpleng text ko

"Sige may sasabihin din akong importante sa yo"

Papunta nako sa nasabing meeting place namin ni Aiz.

Kumakabog ng malakas yung dibdib ko sa sobrang kaba parang ayoko ng ituloy ito pero kailangan ko na talaga itong iconfess sa kanya

Nakita ko na si Aiz na may dala ng flowers, nag expect ako na para sa akin yung bulaklak pero nung nakita ko kung kanino niya binigay yung bulaklak na iyon. Sobrang sumakit yung puso ko ganun siguro yung feeling na "mabroken hearted"

"Elx, girlfriend ko nga pala" ngumiti nalang ako ng may pait sa puso ko at inaabot ang letter na ginawa ko sa kanya nung una ko palang syang nakilala. Kitang kita ko nalang yung pag abot ng bulaklak niya sa jowa niya

"Aiz, ang sakit" ayan na lang yung nasabi ko sa kanya. Alam kong nagtaka sya pero nung buksan niya na ang letter

Hi Aiz,

Nung una pala kitang nakilala di ako alam kung bat tayo naging sobrang close ahahaha i used to be your enemy hahah alam kong walang sense tong sulat ko sayo. Sana hindi masira yung friendship natin sa isang pagkakamali ko. Naging tanga ko for 3 years natatakot kase ako sa rejection na pwede ko marinog sa yo. Ayoko pang masaktan ng ganun lang ahhaha. Masyado na siguro akong madrama gusto ko lang naman sabihin sa iyo na mahal na mahal kita kahit inaaway mo ko lagi ahhaha sige na sabi ko na yung nais ko para sa yo.

                                      Nagmamahal, Elx

Tumakbo ako palayo sa kanila sobrang sakit talaga. Hinahabol ako ni Aiz para pigilang lumayo sa kanila.

Umiiyak ako na may halong ngiti siguro nasabi ko na sa kanya yung nais ko pero huli na eh

Brrrrrrrrrttttt

Isang malakas na busina na lang ang narinig ko at sigaw ni Aiz

Sumasakit ang ulo ko, siguro dahil sa pag iyak ko pero laking gulat ko na may maraming dugo ang katawan ko at buhat buhat ako ni Aiz at tangi ko na lang nasambit sa kanya na

"Mahal kita Aiz, pero Huli Na ako"

..............................

Huli NaWhere stories live. Discover now