Chapter 2

26 4 7
                                    

Nagpasundo na lang kami kay Tito Martin dahil sa nakwento kong nangyari kanina, Saka mag gagabi narin kaya delikado na daw sa daan kaya susunduin niya na lang daw kami at doon na mag palipas ng gabi.

Kumatok ako sa pinto dahil nakasarado ito. Unang bumungad sa akin ay si tita at hinagkan ako ng sobrang higpit.

"Magandang gabi tita" sabay naming bati ni Aiz kay Tita Cecil.

Nagmano ako at ginaya din ni Aiz ang ginawa ko. "Di pa ba kayo kakain?" Tanong ni tito dahil napansin niyang nasa labas pa kami ng bahay. "Sige po, tito papasok na po kami" pumasok na nga kami ni Aiz para maghapunan na rin. Isang maiinit na Manok na tinola ang bumungad sa amin sa hapag kainan.

"Ikaw ba Aiz, wala ka bang balak ligawan ang pamangkin namin" sabi ni tito at tinignan ako sa mata, humagikhik si Aiz habang akmang pasubo sa kanin na may sabaw.

Mahal ko siya pero bakit ngayon pa ko nagkakaganito at tila winawasak ang puso ko sa tuwing hindi niya kayang ipagtapat na mahal niya ako.

"Oo nga, Aiz kelan ba?" Tanong ko sa kanya at ngumiting parang aso. Kelan ba Aiz sasagutin naman kita hindi dahil gwapo ka, dahil mahal na mahal kita at nakakasigurado ako na pagmamahal ito at hindi infatuation lamang. Pinush ko pa talaga ang mga bagay na ayaw sa akin ng tadhana.

"Wag niyo namang pag madaliin si Aiz sa pagdedesisyon ng bagay na hindi pa siya sigurado baka masaktan lang sila, at nasa huli ang pagsisi, Martin" hingal na sinabi ni Tita Cecil at hinawakan sa kamay si Tito Martin at  nagtama ang tingin nila sa isa't isa.

"Oh siya," matipid na binigkas ni tito.

Natapos ang hapagkainan sa isang masayang usapan. Kinuwento kasi ni Tito Martin na kapatid ng mama ko na si Tito daw nung mga kabataan niya ay sobrang habulin nga daw ng mga babae kung sa panahon ngayon ay matatawag na siyang fuccboi dahil sa dami ng babae niya pero malawattpadd din ang istorya nila ni Tita Cecil, Si Tita Cecil ay isang ordinaryong nagpatibok sa puso ni tito. Mabuti nga sila na ang nagkatuluyan kung hindi nako siguro babaero parin tong tito ko.

Tumulong ako sa pagligpit sa hapagkainan para malinis na ito, pinunasan ko ng basang basahan ang lamesa. At hinugasan narin ang mga platong nakatambak sa lababo.

Narinig ko na kausap ni Aiz ang kanyang magulang at nagpaalam na dito na magpalipas ng gabi dahil delikado na sa daan.

Niyaya ko na si Aiz na matulog na pero hindi pa daw siya inaantok kaya umakyat muna kami sa rooftop at sadyang napaka ganda ng mga bituin at buwan sa langit kaya napag desisyon namin na mag stay muna dito. Umupo kami sa isang bakal na upuan na may pinturang kulay puti. Sumabay ang malamig na simoy ng hangin na yumakap sa buong katawan ko, Ngayon ko lang narealize kung gano ako kalonely. Hinimas ko ang braso ko dahil nilalamig na ako. Bakit pa kasi ako nagpalit ng damit eh.

At isang malaking ka cliché nanaman ito. Hinubad ni Aiz ang kanyang long sleeve na nakapatong sa uniporm niya. Sinuot ko na yun at ayoko ng magpabebe pa. "Thank you" damang dama ko ang init ng kanyang long sleeve sa aking katawan. Para narin niya akong niyakap ng sobrang init at higpit.

"Aiz, mahal kita" sabi ko kay Aiz ng walang anumang pag aalin langan sa bawat katagang binibitawan.

"Ano to joke?" Tumawa siya ng sobrang lakas at sinabayan ko na din dahil deep inside ang sakit sakit na.

"As best friend, Aiz ang oa mo siguro nag expect ka noh" tumawa ako ng bahagya kahit papaano at sinundot ko ang tagiliran niya na nagpabalikwas sa kanya sa pag upo.

"Ulol" matipid niya sinabi at tuminginako sa langit gusto kong umiyak pero walang luhang handang tumulo. Gusto kong magsisigaw pero pagod na ko sa labanang ito. "Aiz, mamimiss mo ba ko pag namatay ako, dadating ka ba sa burol ko bes?" walang sense kong tanong sa kanya.

"Uy Elx wag ka nga magsalita ng ganyan" sumeryoso ang kanyang buhok, kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha niya. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.

"Wala to napuwing lang ako" palusot nanaman niya kahit wala namang hangin dito.

Sobrang boring na sa rooftop kaya nagpatugtog na lang ako ng kanta sa cellphone ko.

🎵The sun is filling up the room🎶

"Malapit lapit na ang sem break ha bes" sabi ko.

🎶And I can hear you dreaming🎵

"Oo nga oras yon para magbakasyon hahah" sabi niya naman

Umaakyat si Tito Martin sa rooftop at dinalhan kami ng makakain.

"Wag magpupuyat ha hijo, hija" sabi ni tita at bumaba na rin ng ilang segundo lang din.

🎵Cause the best part is falling🎶

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Aiz. Dahil inaantok narin ako. Wala nakong samud pa para lumandi.

"Balita ko, Aiz pinopormahan mo si Michole ha?" huminga ako ng malalim at naghahanda sa kanyang isasagot sa aking tanong.

🎵Call it anything but love🎵

"Wala yun" dinedeny niya kitang kita ko sa aking mga mata nung nasa Sm sila, magkahawak ang kanilang mga kamay at sabay na tinatahak ang kanilang destinasyon. Nasan ako? Nasa likod nila ako na tila isamg asong sunod ng sunod sa kanila.

"Ah ganun ba?" Wala kong samud na responda.

🎵And i will make sure to keep my distance🎶 

Naiiyak na ako that moment pero gusto ko paring mgapakatatag. Bumuhos ang malaks na ulan na sumabay sa pagpatak ng aking mga luha.

🎶Say I love you, when you're not listening🎵

pinatay ko na ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng glass table namin at sa gitna neto ay may nakalagay na flower vase.

Nabasa kami ng ulan kaya, nagpalit muna kami ng damit at pinahiram ko si Aiz ng aking T shirt na pamasok dahil yun lang ang mukhang panglalake kong damit na mag mumukha siyang maayos.

Natulog si Aiz sa sofa ng aking kwarto. At ako ay nakahiga sa kama pinagmamasdan ko siya habang may dinudutdot siya sa cellphone niya.

Huli NaWhere stories live. Discover now