Chapter 1

50 5 5
                                    

"Maganda ba ko, Aiz" habang pinoponytail ko ang mahahaba kong buhok. Sabay ngiti ko sa kanya. Hindi naman kase ako pala ayos na babae kaya nga paminsan inaasar nila akong tomboy eh. Pero hello mas malande pa ko sa kanila.

"Guwapo ka, Elx" sabay tumawa siya ng malakas at inakbayan ako. Sumimangot na lang ako dahil sa naging na resulta ng sagot Binatukan ko siya dahil sa bobo siya dahil hindi marunong kumilatis ng maganda sa hindi.

I am expecting na sasabihin niya na ako yung pinaka magandang babae na kilala niya sa buong buhay niya eh hindi. Ininsulto ako ng lalakeng hinayupak neto eh.

Hinampas ko siya ng librong nakapatong sa desk ko. Para paraan lang ako syempre hahaha touchy akong tao ginawa ko yun kase he deserved it, matapos niya kong insultuhin.

Halos tumalon ang puso ko ng mahulog ang pink paper sa libro ko.

Akmang kukunin niya iyon pero na unahan ko siya at siniko sa kanyang dibdib.

Shet! kung nakuha niya yun hahah yung mga malalagim kong sikreto mabubuking narin.

Siguro nga hindi ako kagandahan kaya hindi niya ako magustuhan. Kasalan to ni Ms. Author dahil hindi pa nilubos lubos ang kanyang pag iimagine. Siguro nga dahil may dahilan lahat ng bagay. Hindi lahat ng tao nahuhumaling sa mga magagandang bagay at meron paring taong tumitingin sa kung ano ka ba talaga.

I put the pink paper in my bag. Tumayo ako para pumunta sa cafeteria at mag lunch na.

"Aiz, kain na tayo. Libre mo naman ako, sa buong buhay ko hindi mo pa ako nililibre kahit ngayong birthday ko." Sumbat ko sa kanya nag tatampo ako sa kanya dahil puro pang aasar lang ang alam niya. Hindi niya man lang ako pinupuri pag may nagagawa akong magandang bagay. Tulad na lang nung nagka top m ako, wala akong natanggap na uy congrats elx, keep it up

Nakangisi siya ng nakakaloko, "Tara na nga" gaya nga ng nais ko nasa cafeteria kami at nitreat niya ako ng isang lamang simpleng lunch at inenjoy ko na to ng bongga minsan lang to sa buong buhay kaya g na g ako habang pinapapak ang fried chicken na isinawsaw ko sa catsup. Syempre may drinks din yan, kinuha niya yung tumbler niya sa bag niya at yun ang ininom namin ganyan yan eh. Pero infairness huh may lasa naman tong tubig na pinainom niya sa akin, halos nagmukhang tubig ang juice dahil sa pagtipid niya nanaman sa birthday ko! Sobrang labnaw ng iniinom kong nesfruta dalandan flavor, kala ko ba real na real pero hindi eh.

Nang matapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa aming klase. Habang niyayapak ko ang aking mga paa paakyat ng hagdan ay tinakpan ni Aiz ang aking mga mata gamit ang handkerchief niya. Amoy na amoy ko yung pabango niya sadyang makakahumaling ng mga babae. Swerte siguro yung magiging syota neto. Kahit loko loko to, sure akong mamahalin niya ng totoo yung babae

Nang makarating na kami sa aming classroom, dahang dahan tinanggal ni Aiz ang nakapiring sa aking mga mata. Dumilat ako at nasinagan ko na ulit ang liwanag, Pumikit muna ulit ako para makapag adjust dahil sa dilim na kumapit sa aking mata kanina. Pagkamulat na pagkamulat ko ay isang napaka lakeng sorpresa pala ang inihanda ni Aiz para sa akin ngayong kaarawan ko. Di parin ako makapaniwala sa mga nangyayare ngayon dahil nga sa pagiging bully neto pero heto ako ngayon nakaka nganga dahil sa pasabog na ginawa niya parin sa aking kaarawan.

Sa may teacher's table tanaw na tanaw ko ang Black Forest na cake binili daw ni Aiz nung nalate daw akong pumasok chinika sa akin ni Beatrize na kaibigan ni Aiz. At hindi ako makapaniwala dahil pati ang aming guro sa English na terror ay napa amo at napapayag ni Aiz sa program na isinagawa nila. Namasdan ko din ang mga regalong nasa desk.

Sobrang saya ko ngayong araw na ito kung pano bigyang importansya ni Aiz ang birthday ko. Alam kong matanda na ako para sa mag regalong natanggap ko, halos mangiyak na ako sa saya. Kinakantahan na nila ako ng tradisyunal na kanta na walang kamatayan na happy birthday song. Nang matapos ang pagkanta nila ay hawak hawak ni Beatrize ang cake na binili ni Aiz kanina nina lang at may nakalagay na "Happy Birthday Bes! ILY" tapos sa lower part ng cake dun nakalagay yung Love, Aiz. Hinipan ko ang color pink na candle na nakatusok sa gitna.

Syempre di mawawalan ang "Elx make a wish" sigaw ng mga classmate.

"Sana maging kami na ni" nabigla din ako sa nasabi ko kaya napatakip na lang ako

Nang matapos na ang aming klase. Hinatid na ako ni Aiz sa aming bahay na hindi rin naman kalayuan mga isang sakay lang namang ng jeep. Nag jijeep lang ako hindi ako mayaman gaya ng mga nababasa niyo maging realistic na tayo. Magkatabi kami ni Aiz sa jeep.

Tumatawag sa akin si Tita

Tita calling.....

Kinuha ko ang phone ko sa bag and i answered her call.

"Happy Birthday Elx, uwe ng maaga ha. Sama mo na din si Aiz sa bahay pinaghanda ka namin ng tito." Sabik na sinabi ni tita at ilang segundo lang din ay binabaan niya na  ako

Habang inilalagay ko ang cellphone ko sa bag may isang lalakeng pumasok sa jeep at hinablot ang cellphone. Nabigla ako sa mga nangyare dahil iyon ang regalo sa akin ng ate ko bago pa siya pumunta sa Italy upang mag trabaho. Mahalaga sa akin ang phone na iyon dahil naging remembrance ko na iyon kay ate. Bumaba si Aiz ng jeep at hinabol ang lokong
Humablot ng cellphone ko.

"Kuya tulong naman po please" mangiyak ngiyak ako habang sumusunod kay Aiz na ang tulin ng takbo.

Agad naman tumulong si kuyang tambay sa akin. At hinabol ang lokong iyon. Sobrang dilim na sa eskinitang sinuotan ng lokong yon. Sa may bandang kanto kung saan nakita kong nakuha na ni Aiz ang phone kaya binato niya sa akin. Buti hindi naman ako ganun katanga sumalo. Nang masalo ko ito ay dali dali kong pinuntahan si Aiz at nakita kong may pasa siya sa bandang baba niya hinawakan ko to. Sobrang sakit sa part ko na makita ang taong mahal mo na nasasaktan. Sana ako na lang yung nasaktan at hindi na siya.

"Ok ka lang?" bobo kong tanong sa kanya, halata naman na hindi eh dahil sa kanyang iniindang sakit ngayon.

"Ayus lang, Elx basta ikaw" matipid na ngiti na lang ang nakita ko mula sa kanya.

Inakbayan niya ako, "Tara kain tayo sa inyo" sinuntok ko siya sa kanyang braso dahil pagkain parin ang nasa isip niya.

"Sige pag nagamot ko muna yang pasa mo" malandi kong iniresponda sa kanya, para paraan na lang toh bes mahal na mahal ko tong nilalang na to pero hindi pa ko handa sa mga bagay bagay. Lalong lalo na sa mga bagay na makakapanakit sa akin.



Huli NaWhere stories live. Discover now