Her Mom's DOPPELGANGER (True Story) (One-shot)

7.1K 205 91
                                    

True Story by: Aquamarine1234

(A/N~ Hi readers.. This story I made, really happened to me... Seriously.)

Doppelganger (Kadobleng naglalakad)- is a paranormal double of a living person. A doppelgänger is often perceived as a sinister form of "bilocation" and is regarded by some to be a "harbinger" of bad luck. In some traditions, a doppelgänger seen by a person's relative or friend portends illness or danger while seeing one's own doppelgänger is said to be an "omen" of death.

5 years ago.. That was 2009...

*flashback*

Naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng "luto-luto" sa bahay rin ng bagong kaibigan namin na katabi lang rin ng bahay namin..

Bagong lipat palang sila doon kase "for rent" ang bahay na yun.

Masaya kaming naglalaro doon gamit ang mga pagkain na ginupit lang namin sa mga news papers.. Alam nyo na, bata pa kami nun at dream ko talagang maging Chef *u*

Habang naglalaro kami...

"Aiveeeee!!!!" -Narinig namin ang sigaw ng mama ng kaibigan/bestfriend/kababata ko.. Aivee ang pangalan.

"Uy, wait lang ha? Tinawag ako ni Mommy. Wait lang talaga!" -Nagpaalam sya sa amin tapos tumakbo palabas ng gate.

"Oh sige. Bilisan mo ha!" -Pahabol kong sigaw sa kanya.

"Oo!" -Sigaw nya ulit.

(Naalala ko pa talaga ang conversations namin kase... That day.. was unforgettable...) 

Nag role-play kami nun.. Ako yung waitress tapos yung mga bagong kaibigan namin, (nakalimutan ko ang mga name.. pati mukha :x ) ang customer namin. Si Aivee naman ang cashier xD

HAHAHA. I really missed the old days </3 :">

Habang nagpprepare ako ng pagkain namin kuno... (Papel lang xD )

Nakita namin si Aivee na naglalakad na para bang... may malalim na iniisip.. Yung parang natatakot na ewan. Basta parang tulala.

(Yung fence kase nila is... yung parang cross-cross na alambre kaya makita namin sa labas)

Naglakad lang sya papunta samin.

"Huy! Anong nangyayari sayo? " -Tanong ko naman. Na-curious ako that time.

"H-ha? Ano...." -Tapos nag "indian-sit" sya sa newspapers na nilapag namin sa sahig xD

Nasa labas kase kami ng bahay.

"Ano?" -Tanong namin sa kanya.

"Alam mo ba Aqua, *insert names here* ... Diba narinig nyo naman na tinawag ako ni Mommy?" -Nanginginig ang boses nya.

"Oo! Baket?"

Tumingin sya saken.

"Ano.. Pumunta ako sa bahay tapos... Nakita ko si Mommy na nagbe-bake ng cookies..."

Tiningnan lang namin sya .. Hinihintay namin ang isusunod nya that moment.

"Tapos sabi ko sa kanya.. "Bakit mommy?" tapos lumingon sya saken na parang nagtataka.."

She paused again.

"Tapos sabi nya, "Ha?"

tapos sabi ko, "Tinawag mo ako eh. Ano yun?" "

"Sabi nya naman,

"Anong tinawag kita? Kita mo namang busy ako sa pagluluto dito. Baka kaboses ko lang yun."

Tapos sabi ko naman.. "Eh! Narinig pa nga namin nila Aqua eh. Narinig talaga namin Mommy! Tanungin mo pa sila."

Tumindig talaga ang mga balahibo ko that time. Nung bata pa kase ako, matakutin talaga ako.. Especially yung sinasabi nila Kuya at Ate ko na

"Umuwi ka na! Baka makita mo dyan si Maria Labo! Sige ka!"

Syempre dahil bata pa ako, naniwala naman ako.

"Eh! Narinig ko rin kaya yun! Ang clear nga ng boses nun eh! Boses talaga ng Mommy mo." -Sabi ko naman. Naghi-hysterical na kami nun.

"Hala... Baka moomoo yun!" -Pananakot naman nung bagong kaibigan namin.

"Eh! Wag ka ngang manakot! Baka Mommy mo lang talaga yun! Tinatakot ka lang!" -Sabi ko ulit.

"Hindi eh! Kase yung tono ng boses ni Mommy, seryoso tapos parang nagtataka pa nga eh. Alam ko kaya kung nagsisinungaling ang Mommy ko kase nakangiti."

Tumahimik kami tapos may naramdaman kaming malamig na hangin kahit mainit naman..

Yun bang, parang may dumaan sa amin... Yung malamig dahilan para tumindig ang mga balahibo namin...

"AAAAAAHHHHHH!!!!"

Sumigaw kami tapos tumakbo papasok ng bahay nila  (ng bagong lipat)

***

Ilang years ang lumipas, nabasa ko nalang ang word na "Doppelganger"

Isang kababalaghan kung saan ang isang taong nabubuhay ay may mala-multong kapareho na karaniwang tinataglay ang kasalungat o masama nitong ugali.

Sa kasalukuyang gamit, ito ay tumutukoy sa isang tao na may kamukha o kaya'y kapag naaaninagan ang sarili sa gilid ng kanyang paningin, kung saan ito'y imposibleng maging sariling repleksiyon lamang.

*FIN*

Mag-ingat kayo sa mga ganyan dahil di natin alam kung sino talaga ang kausap natin..

Her Mom's DOPPELGANGER (True Story) (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon