Chapter Three || Knowing Him

38 1 1
                                    


(Chapter 3)

"Akin na yung number mo," sabi ni Zoey at bigla itong napatunganga.

"Eh?" Tumaas ang kilay niya dahil sa reaksyon nito.

"Di ba nga tutulungan kita? How can I help you if I don't have your number sige nga?" Hindi niya mapigilang maging sarkatisko. Duh? Common Sense?

"Ahm, sorry." At itinaas ang magkabilang kamay matapos ibigay ang cellphone.

Agad idinial ni Zoey ang kanyang number at ibinalik sa lalaki.

"I changed my mind, go home, pack your things and ask for permission to your family. You'll move with me,"

"W-what?" Umiinit na naman ang ulo niya. Ano ba naman ang lalaking 'to?

"Yes, if you want me to help you, I need to see you anytime and anywhere. You know na hindi lang ayos mo ang aayusin natin, marami pang iba. Sobrang dami in fact. Halimbawa nalang yang pananamit mo, yang parang kumakain-ng-tao mong braces, yang buhok mo parang inubos lahat ng gel sa supermarket and many more to mention."

"Pero bakit? Tsaka i-isa pa, b-baka hindi ako payagan." Sabi ni Luke sa kanya na ikinabigla niya.

"Ang laki-laki mo ng tao Luke. Ilang taon ka na ba?"

Agad itong nagblush nang hindi niya alam ang rason pero she doesn't care. Konti nalang ay iuuntog na niya ang lalaki sa mesa para hindi na magtanong.

"I'm 24 years old."

"You're 24 years old, see? I think your family will understand at wala kang choice. Sabi mo kaya mong gawin lahat di ba? Para lang mahalin ka ng kung sino mang babaeng yun."

"Valerie."

Napatingin si Zoey sa lalaki.

"Valerie ang pangalan niya." Napatingin ito sa kanya sabay yuko.

"Whatever. So I will wait in the car for 30 minutes at kung hindi ka pa lumalabas sa bahay niyo, ako na mismo ang hihingi ng permiso sa family mo, okay?"

Let's get this done!




. . .

Kinakabahan si Luke habang papalakad sa loob ng bahay nila. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng mga ate niya.

Siya kase ang bunsong anak at nag-iisang lalaki sa apat na magkakapatid.

They're very close at tinatrato siyang baby ng mga kapatid na babae kahit matanda na siya. Napakasupportive at protective ng mga ito sa kanya. Dahil magkakalapit lang ang mga edad nila, they're closer than any other siblings out there.

Ang eldest sister niyang si Cecile turned 30 two weeks ago. Happily married sa highschool crush nito at may isang anak na lalaki, 5 years old.

Ang second eldest sister niyang si Jasmine ay 28 years old at happy din sa love life nito dahil engaged na ito sa 8 years nitong boyfriend.

At ang pinakamalapit niyang ate na si Belle ay 26 years old at sobrang in love sa boyfriend nito for 3 years.

Hindi lang yan, ang parents niya ay magkakabata at best friends since toddlers pa. Pang-everlasting love nga sabi ng iba kaya naman puno ng pagmamahal ang pamilya nila.

Napakafamily-oriented nila pero supportive naman sa kanila ang mga magulang nila sa kahit anong desisyon ang piliin nila sa buhay.

Nakita ni Luke si Valerie 7 years ago nang mag-family dinner ang family nito at family niya. College buddies kase ng parents ni Luke ang parents ni Valerie at bagong kasosyo sa negosyo at that time.

Loving HimWhere stories live. Discover now