Chapter Four || Training Him

52 0 4
                                    


(Chapter 4)

Ang tagal naman ng lalaking yun!

Kanina pa siya dito sa kotse. Di bale, 30 minutes lang at siya na mismo ang hihingi ng permiso.

Hindi niya alam kung bakit niya napagpasyahang tulungan ang lalaki. Siguro dahil totoong mahal nga nito ang babae pero that Valerie girl, ano kayang nakita ng baduy na yun sa kanya?

Is she beautiful?

Sigurado siyang mas maganda siya dun. But never mind, that thought was established way before.

Pero hanga siya sa pagmamahal ng Luke na yon.

Bulag nga lang, martyr at masokista pa.

Hindi alam ni Zoey kung bakit pero excited siya.

Excited siyang tulungan ang lalaki.

She's used to decide and do things boldly. She do things extremely just to gain attention from her parents. To gain love pero wala pa rin.

And maybe she doesn't want that guy to be like her.

She really doesn't know pero ngayon lang siya nakadama ng ganitong excitement.

Parang may purpose na siya in life, except seeking attention from her so-called parents.

Ilang minuto ang nakalipas at hindi pa rin lumalabas sa bahay nito ang Luke na yun.

Umiinit na ang ulo niya.

1 minute left at kinuha na niya ang kanyang purse. Sandaling nagretouch at tiningnan ang sarili sa salamin.

Napag-usapan nilang bunso si Luke at may tatlong nakakatandang kapatid na babae.

She's good with people. Hindi siya plastic sa mga taong hindi rin plastic sa kanya.

Pero kapag nasisense niyang b*tch at j*rk ang isang tao, agad na naaactivate ang b*tchy side niya.

Pero kapag totoong mabait ang isang tao, she can show her true self and not care about everything. Kahit pa taong grasa ito o pulubi.

That may be the good outcome of not having her parents around. She sees the world differently and knows how to deal with other people. Kahit pa nga ipinanganak siyang mayaman.

She got out of her car and checked her outfit.

Walked to the pavements and knocked the door.

Malaki ang bahay ng lalaki. Halatang mayaman. Nasa isang peaceful na village ito at halatang pang-mayamang village. Pero wala pa 'to sa bahay nila.

Kwarto niya pa lang ay pang sampung pamilya na ang kayang makatira.

She knocked twice at bumukas ang pinto at bumungad ang isang magandang babae. Parang nasa mid 20s na siguro ito pero she liked how she dressed.

Maganda ang kutis at mamahalin ang dress na suot pero may apron na nakatakip dito at halatang mahilig sa pagluluto.

The girl smiled at her and she knew it was genuine so she smiled back. Her true smile.

"Hi, how can I help you?"

"I'm here for Luke Jacob. I'm his friend."

Bigla itong napanganga at parang nalito.

Yep, expected reaction.

"Oh, kaibigan ka ni baby boy?"

Baby boy? Really? Ang corny naman.

Loving HimWhere stories live. Discover now