Loving Him - Prologue

545 6 0
                                    

Prologue

"Sabi ko na nga ba, pera lang ang habol nun sa'yo Sam. Look what he did to you, nakabuntis siya ng ibang babae. Anong epekto nito ngayon sa business naming ng Dad mo?" sigaw sa kanya ng Mom niya. Nalaman kase nitong may nabuntis na babae ang boyfriend—ex boyfriend—niyang si Jerald.

"Mom, hindi naman pera ang habol niya. Ni isang kusing, wala akong binigay sa kanya. He was just seduced and besides, he's a good man, gusto niya lang panagutan ang magiging anak niya." Protekta niya sa ex-boyfriend niya. Hindi naman sa mahal niya pa ito. Matagal na siyang nakamove-on pero ang parents niya ang masyadong naaapektuhan. Ngayon lang kase umugong ang balita at ngayon lang nila nalaman.

Well, hindi siya artista pero laman din siya ng balita dahil siya ang unica hija ng napakayamang mag-asawang business tycoon.

Sikat ang parents niya dahil mayaman ang mga ito.

"At ipinagtatanggol mo pa yung hayop na 'yon? Sam, do you know this would affect the image of our business? Anong sasabihin ng mga tao?"

Ayun na naman ang signature phrase nito. Palagi nalang iniisip ng Mom niya kung ano ang iisipin ng mga tao sa kanila. Parang mamatay ito kapag may naririnig na negatibo sa iba. Hindi na nga nito inintindi ang damdamin niya bilang anak.

"Let's move on okay? Nakapag-move on na nga ako Mommy, e ako yung niloko." Sabi niya dahilan para tumahimik ang Mom niya.

Kumalma na ito at tumayo na si Dad.

"Aalis na kami, we're in the middle of closing a deal pero inistorbo mo," sambit ng Dad niya sa kanya. Ganun lang ang Dad niya, tahimik pero wagas makapang-insulto.

Sanay na siya na ganoon ang parents niya. Sa halip na mag-alala sa nararamdaman niya, mas iniisp pa nito ang business kesa sa kanya.

Kaya naman simula nun, naging rebelde na siya. Nagpapapansin at gumagawa ng mga kalokohan para mapansin ng magulang.

Mahirap talaga ang maging mayaman. Akala ng mga tao nasayo na ang lahat. Masaya ka na. Pero hindi nila alam, may kulang pa.

Hindi ibig sabihin, kapag may pera ka, masaya ka na.

Minsan hindi nabibili ang totoong kasiyahan, hinahanap ito at napakaswerte ng makakakita. Pero minsan din, hindi na ito kailangang hanapin pa dahil ito na mismo ang babanga sa iyo.

Loving HimWhere stories live. Discover now