chapter 1

108 11 0
                                    

"napaka sinungaling mo talagang bata ka kahit na kailan!!" agad na bungad at salubong ng tita ko ng makita niya akong papasok sa pinto. At sa nakikita kong reaksiyon ng mukha niya, halatang mainit na naman ang ulo niya. "di ka na ba magbabago?!! Anong oras na, uwi ba 'yan ng matinong babae ha Loretta?" pasigaw pang pahabol niya.

"Tita, nag-text ho ako kay ivan na di ko muna siya masasamahan sa palengke at male-late ako ng uwi." Agad kong inilapag sa upoan ang mga gamit na dala-dala ko buong araw. Habang pinapakiramdaman ang mga bawat galaw ng tita ko. Alam ko namang wala ng dahilan pa para mag paliwanag dahil hindi rin naman talaga siya maniniwala at makikinig. "Isa pa pag sinabi ko ho bang kaya ako male-late ng pag uwi eh dahil buong araw ako naghanap ng trabaho eh maniniwala kayo? Hindi naman hindi ba? " depensa kong tanong sa kanya.

"sino ba maniniwala sayo eh ni minsan wala pang tama sa mga sinasabi mo. Puro kasinungalingan lang naman yang lumalabas diyan sa bibig mo?!!" sabi pa niya.Yung galit sa mukha niya pakiramdam ko nakagawa na naman ako ng kasalanang di katanggap-tanggap. kulang nalang ibato niya ang bawat gamit na makikita niya sa paligid niya. Na hindi ito titigil kakatapon hanggat hindi ako natatamaan. Kaylan nga ba naging tama ang mga bagay na ginagawa ko sa paningin niya? Lahat naman ata ng ginagawa ko at gagawin palang para sa kanya wala ng kwenta at purong kasinungalingan lang. Dapat pala din a lang ako nag paliwanag pa. "Sakit ka sa ulo, di ko ba alam at lubos maisip bat ganyan ang ugali mo ngayong napalaki kanaman ng maayos ng mama mo ng buhay pa."

Mula sa pagkakaupo ng mapatayo ako ng marinig ko mula sa tita ko yun. Na agad naman nito ikinagulat dahil sa naging reaksiyon ko sa sinabi niya. Agad ako nitong tinignan habang pinag aaralan at nag aantay ng sunod kong sasabihin at gagawin. Ngunit agad din itong tumalikod na halatang gusto nalang umiwas sa sitwasyon ng makita niya sa reaksiyon kong nasaktan ako ng lubos ng mapasok sa usapan ang mga magulang ko lalo na ang mama ko. Pero kahit gano ko iwasan at pigilan ang init ng ulo kong wag na lang sanang patulan at manahimik nalang para dina humaba pa ang diskosyun. Sadyang di ko na naiwasang pigilan pa.

"Teka tita, kailan ba naging hindi kasinungalingan lahat ng ginagawa ko sa paningin niyo? Ni minsan ba nakinig kayo sa paliwanag ko?" At tulad nga ng inaasahan na magiging reaksiyon ko. Hindi ko na nagawang tumahimik na lang. Gano ko man iwasan di ko mapigilan ang biglaang pag init ng ulo ko. Agad ako lumapit sa gilid ng mesa kung san ito nakatayo para harapan ko mismo itong masabihan ng mga salitang gustong kumawala sa mga bibig ko. "At bakit naman pati magulang ko nadamay na naman dito?! Bakit naman kaylangan pahabain na naman to? Nakauwi na naman na ako oh! Buong-buo,ano pa ba ang gusto niyo puntohin? Isa pa ni wala pa ngang alas diyes oh!" yung init ng ulong kani kanina lang na nararamdaman ko, ngayon ay sama na ng luob. Ang pakiramdam na ang dami mong gustong sabihin at ipaliwanag pero wala ka ibang magawa kundi ang manahimik na lang. At ang mga bagay na gusto mo ilabas para masabi yung side mo tanging hanggang sa sarili mo na lang kayang sabihin. Dahil alam mong bandang huli kahit anong paliwanag pa ang gawin mo sa huli talo ka parin at ikaw parin ang mali.

"Yun na nga eh!!" muling sigaw niya sabay hampas sa lamesa. Ramdam ko na ang tensiyon sa luob ng bahay dahil sa nangyayari at sagutan naming dalawa.napakahirap talaga mag paliwanag ng saide mo sa taong di naman marunong making ng paliwanag mo. "Pano ba naman hindi sila madadawit dito eh sa tino at bait ng mga magulang mo siya ring sama niyang ugali mo. Ano ganyan kanalang ba? Eh ni wala ka ngang pangarap sa buhay mo. Pa'no pag nawala ako? Tingin mo ba eh may ibang kamag-anak ka pang tatanggap dahil diyan sa ugali mo? Wala kang ibang alam kung 'di makipagbasag-ulo diyan kababae mong tao! Naku naman Loretta 23 ka na hindi ka na ba talaga magbabago? Mag-isip ka naman para sa kinabukasan mo hindi yung kung anu-ano ang inaatupag mo." Pahabol pang paliwanag nito.

Right Love at the Wrong Time           (wherever you are)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon