chapter 2.5

58 7 0
                                    

Agad itong tumingala para tignan ako. Sa subrang dilim pinipilit ng mata ko na maaninagan ang mukha niya. Agad ito napaismid na halatang inaaninag din ang mukha ko na parang may inaalam kung kilala ba niya ako oh ano. Pero ang akala kong tanong ko na sasagutin niya ay di pinansin. Muli itong humithit ng sigarilyo. Bagay na di ko nagustohan. Ang lakas naman maka bastos ng batang to.

"hindi naman sa nangingi alam pero kasi masyado ng gabi para sa isang bata na tulad mo ang nasa labas ng ganitong oras lalo pat babae ka. Baka kung ano mangyari sayo dito. Saka isa pa, alam ba ng mga magulang mo yang ginagawa mo? Masyado kapang bata para sa alak at sigarilyo." nag aalala ang boses na tanong ko. Ngunit parang imbes na magulat o matakot ito sa sinabi ko ay parang di pa ata nagustohan ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

" Bata? Sino????? Akoooooooooooo!!!!!!!!?" mataas ang boses na tanong nito. "Bakit? ilang taon kana ba? Alam mo ikaw nga ata tong dapat kong tanungin bakit nasa labas kapa e alam mo naman palang delikado ang nasa labas ng ganitong oras! Pero alam mo? Di para sa isang tulad ko kahit pa sabihing babae ako. Kundi sa isang tulad mo na halatang dayo lang sa lugar na to.

Malas nga naman oh!! Umiwas kana nga sa gulo may dumagdag naman." pahabol pang sabi nito.

Sa mga narinig ko sa mga sinabi niya parang ako pa ata ang nagulat at dapat na matakot. Di ko lubos maisip ang tapang sa mga boses niyang pinapahiwatig na kahit babae siya ay di dapat minamaliit. Dahil kahit pa sabihing lalaki ako at may ginawang di maganda sa kanya ay di niya ata magagawang urungan pag nag kataon. At sa mga salitang narinig ko sa kanya para siyang isang batang matanda na kung mag isip. Pakiramdam ko tuloy parang gusto kong matawa sa sitwasyong nanggyayari ngayon sa mga oras at sandali na to. Akalain mo nga namang nasindak ako sabihin na nating mga sampung sigundo siguro.

"27 na ako!." pigil ang tawang sagot ko. Na agad din ikinabungisngis niya sa tawa ng marinig ang sinabi kong edad ko.

"sabi ko nga mas matanda ka sa akin. Pero di ako bata, 23 na ako." Mapang asar at pagalit na sabi nito na halos kaenin na ng ngiti ang buong mukha sa subrang inis.

Akalain mo nga namang matanda lang pala ako ng apat na taon sa kanya. Wow!!!!! Wala ako masabi. Agad ko pinigil ang tawang parang pakiramdam ko eh gusto ng kumawala sa mga bibig ko. ang simpleng pag aalala at tanong lang dapat na itatanong ko eh pakiramdam ko mapupunta pa sa di magandang usapan at pikonan. Agad ako napa-hinga ng malalim para kalmahin ang sarili. Mahirap na.

"pero kasi di parin maganda tignan na naandito ka sa madilim na lugar na to lalo pat babae ka. saka ang dami mong bisyo."Muling tanong ko sa kanya. Habang binabantayan ang posibleng reaksiyon niya sa sunod na pag kakatanong ko.

"teka! Teka lang!" Agad itong tumayo. Wala naman ako ibang ibig sabihin sa sinabi ko bukod sa nag aalala lang para sa kanya pero parang pakiramdam ko yun pa ata ang ikinasama ng luob niya lalo. "Kilala mo ba ko? O kilala ba kita para mag karon ka ng karapatan na sabihan ako ng dapat sa hindi dapat? O sa anong makakasama sakin at hindi? Abay wala kanaman na ata sa lugar. Ang sabihan akong bata pinag bigyan kita pero yang pakikialam mo sa mga ginagawa ko labas ka dun. At wala kang karapatan! Huwag kang basta manghuhusga kung di mo naman kilala ng lubusan ang isang tao. BWESIT!!"pasigaw at pataas na ang boses na sabi niya. Agad niyang kinuha ang bote ng alak at tumalikod.

Mukhang may namumuo na ngang tensiyon sa paligid naming dalawa. At ramdam kong seryuso na nga itong galit na ata at hindi lang pikon. Agad kong inisip kung may nagawa ba akong mali o naitanong na hindi maganda para mag react siya ng ganito ngayon.

"teka lang easy ka lang miss di ka naman dapat magalit ng ganyan ka bongga sa sinabi ko. Nag aalala lang naman ako para sayo" pahabol na sabi ko habang napapakamot sa ulo kakaisip parin kung bat ganun ang naging reaksiyon niya sa sinabi ko.

Huminto ito at lumapit sa harap ko na parang gusto na ako dambagan at kaenin ng buo sa subrang galit na parang mas nadadagdagan pa tuwing may sinasabi ako. Sa pag tama ng mukha niya sa ilaw ng bigla akong natahimik. Agad ko napansin ang magagandang labi nitong kurting puso. Ang ilong nitong maliit na kahit di man ganun katangosan ay cute parin. At ang mata nitong di ko man gaano maaninag ng mabuti halatang singkit at maganda na siguradong nawawala sa liit pag ngumiti. Matang maganda ngunit malungkot. Mga matang kahit di niya sabihin ay may mabigat na tinatago,pasakit at problemang kinukubli. At ang magandang pag kakakulot ng mahaba nitong buhok na mas nag padag dag sa pagiging mukhang bata niya. Para siya isang batang manika na binigyan ng buhay. Sa subrang pag katitig ko sa mukha niya hindi ko na alam kung ano ang mga salitang lumalabas sa kanyang mga bibig. Pero agad akong nataohan ng bigla na naman itong sumigaw.

"alam mo di ako sanay makipag away sa salita lang e. Kaya kung ako sayo isara mo yang bibig mo kung ayaw mong dumaplis ang kamay ko diyan sa mukha mo. Nakakairita ka. Pumunta ako dito ng ganitong oras para mag palamig at hindi para dagdagan ng isang taong katulad mo na di ko pa kilala ang ka bwesitan ko. Matanda na ako para pag sabihan mo at buhay ko to hindi sayo. Narinig mo? Bwesit!! Nako BWESIT talaga!!!!!"

Agad itong tumalikod at nag simulang maglakad palayo sa akin. Halos parang sasabog na ito sa galit sa mga nabitiwan kong mga salita sa kanyang di ko lubos maisip na masyado siyang naapektohan. Muli ko itong tinakbo para habulin.

"teka sandali, bumalik ka dito" natatawang pahabol ko pa. Agad itong lumingon.

"wag mo na subukan uliting tawagin ako. Dahil di kita kamag anak o kaibigan at kahit kakilala, para lumapit sayo pag tinawag ako. Kung ako sayo umuwi kana kasi di magandang lugar to para sa mga anak mayayaman na tulad mo." Tuluyan na itong nag lakad papalayo. At di na nga muling lumingon pa kahit ilang beses ko ng tinawag.

Hindi ko lubos maisip ang isang babaeng katulad niya. Masyado ako nagulat sa karakter na nakita ko sa kanya lalo nat sa isang simpleng mukha niya at simpleng ganda dagdagan pang napakalayo ng pagiging matapang ng aura ng ugali niya sa mukha niyang parang bata at mukhang anghel na manika. Wala ako ibang magawa kundi ang mag lakad pabalik sa rest house habang napapangiti habang inaalala ang lahat ng ngyari ngayong gabi. Masyado ako naaliw sa pag katao niya bagay na gusto ko pa alamin at makita sakali mang mag krus uli ang landas naming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right Love at the Wrong Time           (wherever you are)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon