*Flashback*
Napakadami namang tao dito, sobrang siksikan ano ba yan!!! Nagmamadali ako eh!!
"Patay na yata?"
"Ano ba nangyare?"
"Nako mukang magiging dead on arrival yan ah."
"Sayang ang ganda pa naman nung babae."
"Nakakagulat talaga no? Biglang nasira daw ung brake ng van eh."
Ano kayang meron dto? Bakit ganyan sinasabe ng mga tao? Sino kaya yung naaksidente kawawa naman yun. Fck bat ba kasi eto lang ung daanan papunta sa green house eh! Pakiramdam ko tloy ang chismoso ko.
"Shit wala naman sigurong masama kung makikita ko, dito rin naman talaga ang daan ko." bulong ko ng napakahina sa sarili ko.
Pinilit kong lumapit para makita kung ano ba ang pinagkakaguluhan nila at nakakita ko ng mga pulis sa gilid ng kalye kung san nagkalat ang mga dugo at may nakaharang na dilaw na tape na may nakalagay na "POLICE LINE. DO NOT CROSS"
Aalis na sana ko ng may nakita kong pinulot yung pulis na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. ANG BRACELET NAMIN....
"SHIT!!!!!!!" napatakbo ako sa pulis na may hawak ng bracelet
"Ser bawal po kayo dito---" sabay harang sakin ng dalawang pulis na hinawakan ako sa magkabilang braso at nilalayo ako
"FUCK!!!!!!!! SAN MO NAKUHA YAN?!!! TANGINA NINAKAW NYO BA YAN SA GIRLFRIEND KO?!!" galit na galit kong sigaw habang nagpupumiglas sa hawak ng mga pulis.
"Ser sorry po bawal po talaga kayo dito, sa biktima po tong bracelet na nakuha namin, hindi namin pwde ibigay to sainyo o sa kahit kanino hanggat wala pa ang magulang ng biktima"
Namuo na ang luha sa mga mata ko at nag unahan ang mga ito sa pagtulo. Pinilit kong ikalma ang sarili ko para makapagsalita, tinitigan kong mabuti ang bracelet na hawak ng pulis at malinaw na malinaw na naka-engrave ang pangalan namin dun kaya sigurado akong sakanya yun.
"FCK!!! Sang ospital nyo sya dinala?! Kamusta na sya?!!! Sabihin nyo anong nangyare!!" Nagmamakaawa na ko sakanila at punong puno na ng luha ang muka ko.
"Sir wala po kaming alam kung kamusta na ung biktima pero nasa nearest general hospital po yung babae. Sensya na po ser kailangan na naming bumalik sa trabaho."
Tumakbo ako ng napakabilis sa kotse ko at nagsimulang magdrive papunta sa ospital. Napakadaming tumatakbo sa isip ko at hindi ko kakayanin kung mawala sya sakin. WAG :'( MAHAL NA MAHAL KO YUN EH!!!
Napahampas yung ulo ko sa manibela dahil sa biglaan at malakas kong preno sa tapat ng ospital,
"Shit!!!!" hindi ko na ininda yung sakit, ang kailangan ko ngayon, makita sya at masiguradong maayos lang sya.
Dumeretso ako ng takbo sa ICU kung saan nasa labas ang mga tao
"CLEAR!" sigaw ng nurse sa doktor, at ginamitan sya ng doktor ng defibrillator
Napasabunot ako sa buhok ko at hinilamos ko sa muka ko ang aking kamay habang tulo ng tulo ang luha ko. Hindi ko kayang makita syang ganyan, nanghihina ako :'(
Sana nananaginip lang ako. napasandal ako sa dingding sa panghihina ng tuhod ko.
Kinabigla ko naman ng sobra ang susunod na nangyari at pakiramdam ko ay gumuho na ang mundo ko....
"We're losing her!" sigaw ng doktor.
*End of flashback*
Para sakin, ang pagkawala ng taong mahal mo ay mas masahol pa sa kamatayan, at ang tanging pag asang natitira sayo eh mawawala dahil sa sakit.
Naranasan ko na yan. Kaya I'm speaking from experience.
Sabi nga nila hindi daw lahat eh may forever..
Tingin ko mali sila, tingin ko, lahat meron, pero hindi lahat, kayang ipaglaban, panindigan at hintayin ang forever nila. Cguro minsan, nilalamon lang tayo ng takot o hiya sa tao.
O baka naman pagod na tayong magmahal ulit kasi pa ulit ulit tayong nasasaktan...
Pero kailangan nating tandaan na lahat naman ng tao nasasaktan kapag nagmamahal, single man o taken. Tandaan mo na hindi lang ikaw ang nakakaranas nyan. Hindi ka din nagmahal para maging masaya lang palagi at hindi mo malalamang mahal mo ang isang tao hanggat hindi ka nasasaktan.
Kung ano mang dahilan nila, pilit kong iibahin ang sarili ko. Alam kong sya ang forever ko..
Eto ang kakaibang forever na meron ako. Hindi man kami nagkasama hanggang pagtanda, sya naman ang ka-isa isang babaeng minahal ko sa buhay ko.
Mamahalin kita hanggang sa makakaya ko, pangako..
_______________________________________
(A/N: This is my first story guys! Please support this? Give this story a shot. I promise it will be worth your time! Haha o ayan napa english na si Author lol)
Comment if you're reading this story or vote po. So I'll know and I'll do the chapter 1 right away! Promise!!! :)
BINABASA MO ANG
My true love's memory (take a chance on me)
RomanceMyrna is a quiet person, nageenjoy syang magisa at isa lang ang kaibigan. Ayaw nya sa relationships dahil tingin nya aksaya lang yun ng panahon, at ang mga magulang nya ay divorced na kaya naapektuhan na din ang paniniwala nya sa love. Si Andrei nam...