Last

436 37 18
                                    

Habang nakaupo ako sa h allway, lumapit ka sakin, kaagad akong napaiwas ng tingin. Kinakabahan ako, sobrang kinakabahan ako.

“Lika na! uwi na tayo.” Sabi mo sakin, kaagad akong napatingin sayo.

Sasama ako sayo, kahit saan, kahit kailan. Kahit pa sa sambahan.

“S—Sige” sabi ko, sobrang nakakakaba.

“Tara na.” Sabay hawak mo sa kamay ko. Napanunok kaagad ako ng laway ko.

Napaka lakas ng tibok ng puso ko. Para bang gustong lumabas sa dibdib ko. Parang nakikipag unahan, para bang nakikipag karerahan.

“Yung kamay mo athan.” Sabi ko.

“Hayaan mo na, wala namang nakakakita.” Sabi mo sa akin ng hindi nakatingin sa akin.

Gusto ko ng sabihin sayo athan, gusto ko ng sabihin sayo na mahal na mahal kita, pero athan, hindi ko mabuka ‘yung bibig ko.

Sumakay na tayo sa jeep. Nag bayad kana, mala anghel mong boses.

“Lysa, Penge nga kong # mo ulit, nabura kasi lahat ng contacts ko.” sabi mo sa akin. Alam mo ba yung sinabi mo yan, halos gusto ko nang tumalon sa jeep?

"Ah eh, sige."sabi ko na sobra kong kinikilig.

Nilagay ko na yung # ko sa cp mo. Tapos bigla nalang akong napangiti.

“Bakit na sa twing kinakausap kita nauutal ka?” Tanong mo yan sakin at biglang gumalabog ‘yung puso ko.

“Bakit lysa? May gusto kaba sakin?” Tanong mo pa sakin at sobra yung kaba ko nung tinanong mo yan sakin.

“Huh?” napa nga nga nalang ako, wala kasi akong masabi.

“Wala, joke lang ‘yun.” Sabi mo, pero gusto kong sabihin athan na, oo gusto kita. Gustong gusto kita, sobra.

Pero wala, Hindi man lang ako makapag salita.

Athan gusto kita.

Bulong ko, pero hindi mo ito narinig dahil sa tunog ng jeep.

“Para po!” Sigaw mo, baba kana sabay sabi sakin ng “Ingat ka Lysa.” alam mo ba ‘yung sinabi mo yan, parang gusto ko nang sumama sayo?

~×~

Ayoko mag tago athan, Ayoko mag tago. Pero hindi ko magawa na sabihin sayo tong nararamdaman ko.

Gusto talaga kita athan.

Kailangan ko siguro ng lakas ng loob! Lakas ng loob! Aaminin ko na talaga bukas!

~×~

Papalakad nako papunta sayo, Aaminin ko na, tama eto na ang tamang panahon. Kailangan na kitang harapin athan, kailangan na kasi napaka hirap magtago.

“Athan—” Tawag ko sa pangalan mo, pero may humawak sa kamay mo na babae at sabing..

“Athan, Gusto kita.” Sabi nung babae, na ikinabigla ko.

Tumalikod nalang ako baka kasi, masaktan lang ako pag nakita ko kayo.

Biglang naramdaman ko yung patak ng luha ko sa pisngi ko.

Bakit kasi ang TANGA KO? Aaminin ko lang naman ha?! Bat hindi ko ba Magawa?

Yan tuloy naunahan lang ako, Huli nako. Huli na ang Lahat.

Huli na ang Lahat.

~×~

Ansakit isipin na, Sa isang iglap Mawawala na ang lahat. Mawawala na.

Parang nabasag yung puso ko athan, Nung lumapit siya sayo.

Ayun yung gusto kong sabihin sayo. Pero Hindi ko masabi, paano na to?

-

Ilang linggo narin ang nakalipas, pero hindi nakita pinapansin, lagi mo na kasing kasama ‘yung babaeng umamin sayo, siguro kayo na athan.

Eto ko ngayon, miss na kita athan!

Miss na kita, miss na miss nakita.

Kahit minsan lang tayo nag kakasama, Kahit na minsan mo lang akong kausapin, Kahit minsan mo lang ako ngitian. Athan mahal kita.

Athan, minahal kita. At patuloy padin kitang mamahalin.

~×~

Nakaupo ako sa dulo ng hallway, naalala ko ‘yung niyaya mo akong umuwi.

Biglang may nag takip ng mata ko, sino kaya to?

“Sino kaba!” sigaw ko.

“Aba hindi kana nauutal?” Sabi mo, alam ko agad yung boses na yan. Alam ko na ikaw ‘yan athan.

"A—Athan?” nauutal ko nanamang sabi.

Eto na siguro yung pag kakataon ko athan na, Umamin sayo. Aaminin ko na sa’yo athan. Kahit huli na, sasabihin ko padin sayo.

“Tama ka!” Sabi mo sabay tawa.

“Uhm, A—Athan..” sabi ko ng mahinhing boses.

“Hmm bakit?” Sabi mo naman.

“G—gusto kita. G—gustong gusto kita athan.”Sa wakas at naamin ko rin!

“Totoo ba?” Sabi mo na medyo naguguluhan pa.

“O—Oo” sabi ko sayo.

“Gusto rin kita lysa, kaso akala ko hindi mo ako gusto, kaya—”

Biglang pumatak ang luha ko ng sinabi mo na..

“—kaya niligawan ko na lang siya.”

The end

[A/N:Pero syempre joke lang na the end yan.]

“Uy bakit ka umiiyak, nagbibiro lang ako.” Sabi mo sa akin, kaagad mong pinunasan ‘yung pisngi ko.

“Huh, Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sayo.

“Ikaw lang ang gusto ko. Unang kita ko palang sayo, ikaw na ang nagustuhan ko. At ikaw lang din ang gugustuhin ko hanggang sa huli. I like you, lysa.” at ang huli mong sinabi, ang lalong nag paiyak sa akin.

“Oh may nasabi ba akong nakakaiyak?” medyo nag aalala mong tanong sa akin.

“Tears of joy ‘to.” sabi ko, at nag ngitian nalang tayong dalawa.

THE END

Lahat naman tayo may sekreto,pero umamin din tayo, malay mo, gusto karin pala nya, diba?

Hiding Feelings (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon