Chapter Two

53 3 8
                                    

Next day..

Maaga akong pumasok ngayon kaya andito ako sa may garden ng school...Dito kasi sa part ng school na to ,ito ang pinaka hindi matao. Kaya dito ko napagpasyahang tumambay saglit kahit limang minuto lang bago ako pumunta sa klase... Habang ako ay naka-upo kinuha ko ang headset ko sa bag at saka ako nagpatugtog. Hindi ko pala nasasabi sa inyo na ang music lang ang karamay ko sa tuwing nag-iisa ako kaya nakakaya kong hindi makisalamuha sa tao kasi okay na ako sa pakikinig ng music... Ang favorite song ko pala ay A THOUSAND YEARS ewan ko ba kung bakit yun ang paborito ko sa dami ng mga kanta ko dito sa cellphone ko eh ito lang talaga ang natipuan ko. Feeling ko kasi sa bawat lyrics niya eh may pinagdaraanang malungkot na pangyayari sa buhay ang kumanta nito... Hindi kaya iniwan siya ng taong mahal niya at naghihintay talaga siya na bumalik pa ito sa piling niya kahit sa loob-loob niya eh wala talagang kasiguraduhan na yung taong mahal niya na nilisan siya ay muli pa siyang babalikan?

Lagi kong iniisip na sa takdang panahon din ba ay maiinlove din kaya ako at iiwan din niya ako sa paraan ng pag-iwan ng lalaki sa babae dito sa kwento ng kantang to?Kung mangyayari yon sakin hidni ko alam ang gagawin ko kaya sana hindi mina ako mainlove dahil takot akong iwan at masaktan. Sa panahon kasi ngayon ay madami akong nababalitaan na umiiyak ang mga babae dahil iniiwan sila ng taong mahal nila tapos yung iba ay nagsusuicide pa dahil lang don.Ganoon ba talaga kahirap ang masawi sa taong minamahal? Well kung ganoon nga eh mahirap nga talaga.

Tumayo na ako ng mag stop na ang kantang pinapatugtog ko. Naglakad ako mag-isa at iniisip parinang bawat lyrics na napakinggan ko kani-kanina lang... Napaka lungot ng tinig ng boses niya na tila ba may mabigat talaga siyang pinagdadaanan sa kanyang buhay ...Naawa ako.. Sana talaga hindi ito mangyari sa katulad ko.

Nang makarating ako sa pintuan ng classroom namin ay niready ko na ang aking sarili baka kasi gulo-gulo ang buhok ko o di kaya'y may dumi ang mukha ko mahirap na baka ipahiya pa ako ng mga kaklase ko.Pagkabukas ko ng pintuan ay nakatayo lahat ang mga kaklase ko sa magkabilang side ng classroom Ano kayang meron? sabi ko sa isip-isip ko. Nang makita ko si ma'am Ramos ay agad ko siyang binati ng bagandang umaga at binati din naman niya ako sa paraan ng pagbati ko sa kanya. Pagkatapos non ay tumabi ako sa iba pa naming kaklase .

"Sana makatabi ko si Jain!" so seating arrangment pala....

"Ako gusto kong makatabi si Vandam!" isa pa tong isang to ...Mga assumingera ! Pati yun pagtatalunan pa nila?

"Ako gustp ko silang dalawa ang katabi ko kyaaaah!!!!! Siguro magiging maganda ang view dahil magnda ako at gwapo sila!!!" sabi pa nong isa.

"Hoy babae spell ASA?" sabi pa nong isa ..Aist!!!Mali pala ako ng napuntahan .Napa tabi pala ako sa maiingay.. Tsk!!! Natapos na ang seating arrangement at next subject na namin which is Filipino.

SCHEDULE KO

(Morning)

*First Subject: Math

*Second Subject: Filipino

*Third Subject: Mapeh

*Fourth Subject: Araling Panlipunan

(Afternoon)

*First Subject: T.L.E

*Second Subject: English

*Third Subject: Science

Minsan may Values din pero twice a week lang...

Yun na nga papunta na ako sa Filipino namin ngayon at naglalakad na naman ako ng mag-isa...Siyempre nagsa-soundtrip nanaman ako para maaliw naman ako kahit papaano. Kaso parang feeling ko may tumabi sakin eh. Nang tignan ko ito, yung transfer student pala na si Jain... Nakakairita ah naka ngiti kasi siya sakin tsk .! Akala niya siguro kikiligin ako sa ngiti niya pero kung alam niya lang kinikilabutan ako sa pagmumukha niya. Oo gwapo siya pero *Errr* may allergy po ako sa gwapo *JOKE*

"Hi" sabi niya. Pero hindi ko siya nilingon o kaya pinansin manlang .

"Bakit mag-isa ka lang?" sabi nanaman niya . Pero tinignan ko lang siya . Para naman hindi siya magmukhang tanga kasi hindi ko na nga siya kinakausap pero nagtatanong parin siya...Pero okay na din yung tinignan ko lang siya baka kasi mamaya may makakita samin na nag-uusap mapagkamalan pa akong nilalandi ko itong bagong estudyante na to.

"Bakit ayaw mong magsalita?" Aba't ang kulit ha? Obvious naman sigurong ayaw kong makipag-usap diba? Tsk!!! iniinis niya lang ako sa ginagawa niya-______________-

"Paki alam mo ba hah?!" sabi ko sa mataas na boses. Mukha naman siyang nagulat kaya umalis nalang siya.. Kita mo yun kanina ang kulit-kulit tapos ngayon natahimik !!! Tsk!!! asar talaga siya.....Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom namin .

Nag discuss lang si Sir Loresco at nagquiz din kami pagkatapos non. Medyo boring kasi nakakaantok silang mag discuss , para kasing nobela ang pagdidiscuss nila kaya kaunti lang ang nakuha ko 7 out of 10 . Pang apat ata ako sa lowest. Tsk!!! paki ko ba? Okay lang yun at least hindi lowest.HAHAHAHA!!!!

Pinag-malaki ko pa talaga hahahaha!!!!

Sa third subject namin ay inannounce lang na may Drum and Lyre practice daw lahat ng members mamayang uwian ng hapon kaya ginanahan ako bigla hehehe... Yun lang naman gusto kosa uwian eh ...Yung pagpapractice namin sa Drum and Lyre wala lang trip ko lang talagang sumali kasi diba sabi ko naman sa inyo love ko ang music? Kaya ayun sumama ako ^_______________^

Pagpasensyahan niyo na ao moody talaga akong tao ...Mostly pinapakita ko talaga ang mataray na side ko. Ayaw ko kasi sa mga taong walang ibang bukambibig kundi mga gwapo Tsk!!!!

After i-announce yun ay free time na agad namin... Oh diba ang cool ng Sir namin?Si Sir Tamayo yan eh hahahaha.... Ang Sir pala naming ito at taga turo ng sayaw mapa Modern dance , Contemporary , Cha-cha , etc. Kahit mataba sila hindi talaga mapagkakailang magaling sila sa pagsasayaw.

Aaminin ko na ha? Marunong po akong sumayaw kaso lang hindi ko na ito pinakita pa simula ng grumaduate ako sa Elementary . Kasi wala lang trip ko lang hahaha....Hindi sa totoo lang wala akong self-confidence kasi iniisip ko agad ang negative side na mangyayari.

Ayun na nga lumipas ang isang oras at lumipat nanaman kami ng subject . Nagsulat lang kami ng mahaba . Actually hindi ako pala sulat na tao ... Nagawa ko lang yun kasi nakasalpak yung head set sa tenga ko. Hahahaha.... Buti hindi ako nahuhuli ,bwal pa naman magsoundtrip sa loob ng klase. Pati mag chewing gum bawal  din nagmumukha daw kasing kambing ang mga estudyante sa paningin ng mga guro kapag nasa harap ang mga ito. Hahahahaha . Oo nga naman diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Broken PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon