TEXT MULA SA DILIM

16 0 1
                                    

TEXT MULA SA DILIM

written by Ron Sapinoso

Dumilat si Aila dahil narinig niyang tumunog ang kanyang message tone. "Naalala Ka" na awitin ni Rey Valera. Bumangon siya sa sofa na hinihigaan. Napalingon siya sa wall clock sa bandang itaas ng kanilang pintuan at nakita niyang alas dose na ng gabi. Kinuha niya ang cellphone at binasa ang text.

"WAG KA LALABAS NG BAHAY NGAYONG GABI" ito ang sinasaad ng text mula sa mobile number ng asawa niya.

Tumayo siya at pumasok sa kuwarto nilang mag-asawa. Magtatanong sana siya ngunit nakita niyang tulog na tulog si Jerome. At may kakaibang lamig siyang naramdaman.

Tatlong linggo palang silang nakakalipat sa lumang bahay na iyon na minana ni Jerome mula sa tiyuhing matandang binata. Namatay ito sa cancer noong isang buwan at si Jerome na lang nag-iisang kamag-anak nito. Natuwa silang mag-asawa sa pamanang bahay dahil nakalaya na sila sa walang hanggang pag-upa ng tirahan.

Hinanap ni Aila ang Cellphone ng asawa ngunit wala ito sa kwarto. Tinawagan niya ang number ni Jerome at lumabas siya sa silid. Tumunog ito at hinanap niya. At natagpuan niya ito sa bag ng asawa. At doo'y lumago ang takot sa buo niyang katawan.

Saglit pa at naupo siyang muli sa sofa. Ipinatong niya ang cellphone ni Jerome sa maliit na mesa sa kanyang harapan. Tinitigan niya ito nang matagal.

Nagulat siya nang biglang tumunog ang message tone ng kanyang cellphone. Kinakabahan siya ngunit binasa rin niya ang text message. Galing din ito sa number ni Jerome. At ito ang sabi. "NASA LABAS LANG AKO KAYA WAG KANG LALABAS".

At pagkatapos niya itong mabasa ay mabilis siyang tumakbo sa loob ng kuwarto. Ginising niya ang asawa upang sabihin ang nangyayari ngunit hindi ito magising. Pinipilit niyang unawain ang nagaganap ngunit hindi niya maintindihan. Mahilig sila ni Jerome na takutin ang sarili sa mga horror movies at pagkatapos ay magtatalik sila, ngunit hindi niya inisip na masusuot siya sa sitwasyong mala-horror movie.

Sumilip siya sa pintuan at nasa mesa ang dalawang cellphone. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sa huli ay napagpasyahan niyang kunin ang kanyang mobile phone.

"CNO 2?", text ni Aila. Naghintay siya ng sagot. Matagal. Nag-text siya uli. "Ano kailangan mo sa akin?", tanong niya sa text.

At may nag-reply, "ALAM MO BA KUNG BAKIT MARAMING NAAAKSIDENTE HABANG GAMIT ANG CELLPHONE?"

"CNO 2? At ano kailangan mo sa akin?," text ni Aila.

At muli may nag-reply, "ALAM MO BA KUNG BAKIT MARAMING NAAAKSIDENTE HABANG GAMIT ANG CELLPHONE... DAHIL NAROROON AKO"

Hindi maunawaan ni Aila subalit tumulo ang kanyang luha sa sobrang takot. Nagmadali siyang pumasok sa silid at pinilit gisingin ang asawa.

"Jerome, may tao sa labas!" sabi ni Aila.

Nagmulat ng mata si Jerome at nakita niya ang takot ni Aila. Bumangon ito at kinuha ang 45 caliber sa cabinet. Pamana ang baril ng kanyang ama na kilalang police detective noong nabubuhay pa ito. Graduate ng criminology si Jerome. Magpupulis din sana siya tulad ng ama ngunit hindi siya pumasa sa pagsusulit. Pero isa lang ang sigurado at maipagmamayabang ni Aila... Magaling bumaril si Jerome.

"Mag-ingat ka!" wika ni Aila.

"Huwag kang lalabas dyan. Kapag may nangyari tumawag ka agad ng pulis!" sagot ni Jerome. Maingat na lumabas ng kuwarto si Jerome. Isinara nito ang pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEXT MULA SA DILIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon