AIRA's POV
Pagkatapos kong magpaalam kay Kylie ay lumabas na ako ng school.Pagkalabas ko ay may nakita akong lalaki na parang pamilyar ang mukha.......sya yung nakabunggo ko kanina.
Infairness gwapo sya. Hay nako Aira kung ano ano na naman iniisip mo. Bigla ko nalang sinampal sampal ang sarili ko dahil baka mag daydream na naman ako.
Gusto ko sana siyang lapitan para magpasalamat sa pagtulong niya sakin sa pagpulot ng mga gamit ko......pero..............nahihiya ako.
Hayy nako bahala na. Bulong ko sa sarili.
Papalapit na ko sa kanya ng biglang may dumating na mga babae. Parang kinikilig silang lumapit dun sa guy.
Kesa makigulo ay hindi ko na itinuloy ang paglapit dun sa guy.
Habang nasa daan pauwi ay hindi maalis sa isip ko yung mukha nya.
Hayy ang gwapo nya tal---
Hayy nako Aira, please lang wag mo na isipin yung lalaki na yun!!
Dahil gulong gulo na ang isip ko ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin.
Pagpasok ko palang ng pinto ay nakita ko na si Mommy na nasa kusina.
Ma nandito na po ako!!. Pagkatapos ay niyakap at hinalikan siya sa pisngi.
Ayy anak andyan ka na pala,
Umakyat ka na muna sa taas at magbihis ka na muna. Tapos bumaba ka agad dito dahil nagluluto ako ng meryenda, alam kong gutom ka na kaya bilisan mo.Sige po Mommy. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko.
Hay naku bakit ba hindi maalis alis sa isip ko yung lalaki na yun!
Pagkatapos ko magbihis ay naisipan kong hanapin yung guy sa Facebook dahil lahat naman ng tao may Facebook kaya madali ko lang siya mahahanap.
Umupo ako sa bed at binuksan ang aking Laptop. Nang mag uumpisa na kong magsearch ay may narealize ako..........HINDI KO ALAM ANG PANGALAN NIYA
Ano ba Aira?! Ang tanga tanga mo naman hindi mo man lang tinanong kung ano ang pangalan niya. Pano ko nga ba tatanungin eh ang bilis niyang nawala na para bang nagmamadali, BAKIT KAYA?!
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na kanina pa pala may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
Aira! Bakit ba ang tagal tagal mong magbihis diyan?! Kanina pa kita tinatawag!!
Ayy Ma andyan na po, susunod na!!
Oh bilisan mo. Wag mong paghintayin ang pagkain.
Opo Ma sandali nalang!!
KUNG SINO KA MAN, ANO BA ANG GINAWA MO SAKIN AT HINDI KITA MAALIS SA ISIP KO!!
Pagkatapos nun ay bumaba na ko para kumain.
The next day...
Pagkagising ko ay agad akong tumingin sa aking alarm clock.
OMG 9:00 NA!!!!!!!!
Agad akong bumangon sa kama at pumunta sa banyo para maligo.
Pagkababa ko ay nagpaalam na agad ako kay Mommy.
Ma alis na po ako.
Hindi ka man lang ba muna mag aagahan?
Hindi na po, late na late na po ako eh.
Pagkadating ko sa school ay agad akong tumakbo papunta sa aking classroom. Pagpasok ko sa classroom ay wala pa ang professor namin kaya nakahinga ako ng maluwag. Uupo na dapat ako sa upuan ko pero may ibang nakaupo dun.
Napansin ko din sa isa nalang ang unoccupied seat at ng tignan ko kung sino ang katabi nito ay bumilis ang tibok ng puso ko.
Y...y..yung guy na naman na yun! Bakit ba lagi ko siyang nakikita?! Ano ba to? Dest---
Oy sandali nga lang yun na naman ang iniisip ko eh. Bahala na nga.
Umupo ako sa chair na katabi ni Mystery Guy.
Pagkaupo ko ay hindi na uli ako umimik.
Walang ni isa sa amin ang nagsalita. Sobrang awkward ng lahat. Hindi ko namalayang umalis na pala yung Professor namin kaya naman sobrang bilis kong kinuha ang gamit ko at lumabas ng classroom.
I don't think I can last another minute with him. IT WAS JUST SO AWKWARD...
Naalala ko na hindi nga lang pala isa ang klase namin na magkatabi...
OHH MY LORD.. THIS IS GONNA BE A LONG DAY......
YOU ARE READING
It Started with a Handshake
General Fiction"when i held his hand,everything changed" -Aira