Chapter 5

36 1 3
                                    

Its a new day...
Papasok ako ngayon sa may gate ng school at meron akong nakasabay na lalake nakaglasses sya at may braces din, hindi naman siya mukhang nerd o kung ano man and he looks familliar, para bang magkahawig sila ni Jak---

"Aira!" May tumawag sakin kaya naman lumingon ako sa likod. Sila Natasha at Ayala lang pala at ng pag tingin ko uli sa harap ay nawala na parang bula yung lalake.

"Aira sino yung tinitingnan mo?" Tanong sakin ni Ayala.

"Uhh wala! Halika na." Sabi ko sabay hatak sa kanila papunta sa room.

*LUNCH TIME*

Nasa cafeteria ako ngayon at hinihintay ko nalang sila Kylie na matapos umorder dahil wala naman akong ganang kumain.

Nakatingin lang ako sa kawalan ng may dumaan na lalaki sa harap ko kaya naman napatingin ako.

Sandali, siya yung lalaki na nakasabay ko kaninang pumasok. Totoo nga, kahawig niya talaga si Jakey pero para sakin mas gwapo siya kesa kay Jakey.

*Fast Forward - After 3 days*

Papasok ako ngayon sa classroom. Pagkabukas ko ng pinto ay nagtinginan ang lahat ng mga kaklase ko sakin. Nagbubulungan din sila. Ako kaya yung pinagbubulungan nila?

"Yes I agree, perfect talaga sya for the event"
"Oo, kasi magagaya niya talaga yung character na ipoportray niya"

Biglang may lumapit sakin na kaklase kong babae.

"Aira, pinapatawag ka daw ni Mam sa office niya."

Kinabahan naman ako bigla.

"Bakit daw? May ginawa ba kong masama?!"

"Ano ba, relax. May mga ididiscuss lang si Mam sayo tungkol sa darating nating event kasi kailangan natin ng girl na ilalaban for cosplay contest and we think na you'll be perfect for the character."

"Uhhm wait, bakit ako? Marami namang mas maganda sakin ah. Bakit ako pa yung ilalaban?!

"Hayy naku, wag ka sakin magreklamo kundi kay Mam. Napag utusan lang naman kami na pag daw dumating ka eh papuntahin ka namin dun."

"Ah ok, sige pupunta na ko. Ibababa ko lang yung gamit ko sa armchair."

*Teacher's office*

Kumatok muna ako bago pumasok sa loob ng office ng teacher namin.

"Good morning po Mam, pinapatawag nyo daw po ako?"

"Uhm yes kasi our school is going to have an event or contest. Yung contest ay cosplay ng ibat ibang characters in pair and ang twist is hindi mo malalaman or makikilala yung partner mo until the day of the contest so its a surprise.

Nung nalaman ko na may ganitong contest ay naisip kaagad kita because you are one of the most beautiful girls in our class and Im hoping that you will say yes.

"Ahh ok po, pero I'll think about it po muna and itatanong ko din po muna sa mga kaibigan ko"

"O sige, think about it ah. This can really be a big opportunity for you"

"Sige po Mam. Can I go now?"

"Yes you may."

Pagkalabas ko sa teacher's office ay napaisip isip agad ako dun sa offer na ibinibigay ni Mam.

"What if sumali talaga ako? Wala namang masama dun ah. Wala namang mawawala sakin if I'll try it. Hayy itatanong ko na nga lang muna to mamaya kila Ayala."

*Recess*

"Nakabili na ba kayo ng pagkain?" Tanong ko kila Natasha.

"Di pa eh. Lika na sabay sabay nalang tayo." Sabi ko.

Papunta na kami sa pila at ng makapila na kami ay may nakatabi akong lalaki. Sya na naman! Lagi kong nakikita tong lalake na to ah. Bakit ba parang lagi kaming pinagtatagpo ng tadhana? Hayy naku Aira! Kung ano ano na naman yang iniisip mo ah.

"O sige dun na muna ko pare"

Waitt bakit kaboses din niya si Jakey?! Hayy naku Aira gutom lang yan, kumain ka na nga muna!

"Huy Aira! bakit nakatulala ka dyan? Kanina ka pa tinatanong nung ate kung ano yung bibilin mong pagkain."

"Ah s-soryy, kung ano nalang yung inyo yun nalang din yung akin"

"Ah sige, mabuti pa umupo ka nalang muna dun sa table at kami na ang oorder para sayo"

"Sige thanks ahh"

Pagkaupo ko sa table ay agad ko naisip yung guy na nakaglasses. Wow 3 time ko na siyang nakita ngayong araw ah. Thats.....weird.

"Aira parang ang lalim na naman ng iniisip mo ah" sabi ni Kylie habang inilalagay ang mga pagkain sa table.

"Wala lang toh, lika na kain na tayo. At tsaka may ikokonsulta nga pala ko sainyo"

"Ano yun?" Tanong ni Ayala.

"Kasi sabi ni Mam, ako daw yung gusto niyang ilaban sa darating na cosplay contest in pairs tapos yung partner ko eh hindi ko pa makikilala until sa mismong day ng contest. What do you think? Sasali kaya ako?"

"Definitely yes, that's a great opportunity para mas sumikat ka dito sa school" sabi ni Natasha.

"Oo naman para mas madiscover ka dito sa Campus" sabi ni Ayala.

"I agree with them, para naman malaman ng ibang tao kung gaano kaganda yung bestfriend namin" sabi ni Kylie.

Well if thats the case then I'll join thr contest. Goodluck nalang sakin kung ganun.

------------
Hi guyss😂 sorry kung sobrang natagalan ng update because we've been really busy dahil kakatapos lang ng exams and kung ano ano pa😂

Hope you guyss like the update. Stay tuned kung anong susunod na mangyayari sa pagsali ni Aira sa Spanish Cosplay at kung sino ang makakapartner nya😉

-Lara💩

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Started with a HandshakeWhere stories live. Discover now