WARNING: ISA PO ITONG MALOKONG TULA TUNGKOL SA BABAENG SINUSUYO NG LALAKENG MINSANG NAGKSALA SA KANYA. KAYA KINAKAILANGAN ANG PATNUBAY NG DIKSYUNARYO SA MGA MADUGONG SADULANG ITO.
SUICIDE NOTE “kuno”
LALAKE:
Mundo na puno ng paghihirap
Mga nawasak na mga pangarap
Buhay na puno ng pasakit
Lahat ng iyon ay aking sinapit
Di malaman kung saan nagkamali
Di rin malaman kung paano mababawi
Ang mga yugto ng sandali
Na mga luha mo’y di ko napawi
O aking giliw salamat sa lahat
Salamat sa pag-ibig mong tapat
Mga oras na pinagsamahan
Nawa’y huwag mong kalimutan
Puso ko’y puno ng kalungkutan
Pagkat’ giliw ika’y aking masasaktan
Sa gagawin kong paglisan
Sana ay iyong maunawaan