BABAE:
Loko ka gusto masapok
biro mo’y di na papatok
Ipad ay di lang nabili
Pagkakamatay agad ang iyong napili
Ipon-ipon kung may time
Pangbabae ay iwasan
Para di maputulan ng kinabukasan
Nang lahi mo’y iyo pang masilayan
Motto mo’y di stick one
Pagkat babae mo’y laging nadadagan
Mr. ambisyoso ka sa gadgets
Pustiso mo naman di mabilhan ng kaparis
Suicide ang peg mo
Ang sabihin break lang want mo
Pagkat sa akin ay may pampalit kana
Na mas aaliwin ka sa tuwina