Lalake:
Oy di a
Ikaw lang at walang iba
Magtiwala ka, at pawiin yaong pagdududa
Pagkat sa puso ko’y ikay nag-iisa
Aking mahal, at aking pag-asa
Wangis mo man ay mukhang kambing
Este ganda pala na walang kamhambing
Ika’y aking buhay na mamahalin
Di ko ipagpapalit kahit ako’y kanilang akitin.
Sumpa ko aking iniibig
Ika’y higit pa sa material na ibig
Wala kang katumbas na ano mang yaman
Pagkat puso ko’y ikaw lamang ang laman.
O aking buko
Hali ka sa aking tabi at tayo’y maupo
Nang ika’y aking mayakap ng husto
Nang aking mapadama na ikaw lang tanging gusto