Pagkagising ko kinuha ko agad ang cellphone ko para tignan ang oras ..
"OMG! 10 messages".
Binasa ko ito agad agad ni hindi ko na nga na alala tignan kung anong oras na eh.
Sender : Trisha
Wow Girl!Congrats Im so happy for you! :*
See you tom magkwento ka ah!
Sender : Jervz
Baklaaa! Ermergerd! Congrats! ikaw hah! Ingatan mo siya kung hindi aagawin ko siya.
Sender : Alexa
Congrats girl!
Sender: Joyce
Mommy! Ikaw ha kayo na pala ni kuya Pogi so pwede ko na ba siyang tawaging daddy? :3
Sender: Luna
Congrats Mare! ang puso ingatan <3
Sender : Kevin
Angel ! Congrats! Wag na wag ka lang niya lolokohin kung hindi manghihiram siya ng mukha sa aso ..
Sender : Mami
Goodmorning Anak ! Naghanda ako ng breakfast niyo .. Kumaen kayo ng marami ah . I Love You!
Sender : Sander
Being inspired is very nice.
Specially when you know that the person who keep inspiring you is also inspired with you... :">
Gooodmorning World!
CoNgrats Ry & Gel !
Gm
Sender : Bebe
Bebe Congrats at nakita mo na ang Prince Charming Mo! Swerte niya sayo ah.. Labyu :*
Sender : Clarise
Gel yung group project natin kailan natin sisimulan?
btw congrats!
Sender : Ria
Haba ng hair abot dito teh ! congrats :* helmetan mo ah . Baka mauntog . Joke XD
Grabe kung maka congrats naman tong mga to kala mo nanalo ako sa loto pero sabagay parang naka Jackpot naman ako!
Aba sa sampung message na yun wala man lang text si ryan ., Porket sinagot ko na siya ganon na lang ? Dati naman every morning I received sweet messages from him pero bakit ngayon wala.. Nakakainis naman !
Ay sorry ah hindi b kayo makarelate? Oh sige eto ang mahiwagang flashback !
******************************
Almost 2 months na siyang nangliligaw sakin siguro sapat na yun 2 months na un.
Ramdam ko na naman kung gaano niya ako kamahal at isa pa gusto na siya ng family ko at pinayagan na nila ako magboyfriend actually nung sinabi nila yun abot tenga ang ngiti ko eh..
Ok naman kasi si Ryan Gwapo, Mabait, Masipag, Malambing basta he’s so perfect though wala namang perpektong tao sa mundo but in my eyes he is. Halos everyday akong may roses at ang hindi ko makakalimutang ginawa niya eh nung valentines day party.
Hindi ko siya nakasama nung buong gabing yun naiiyak na nga ako eh kasi ba naman ako lang ang walang date 12:00 am na wala parin siya uuwi na sana ako nang biglang may narinig akong tumawag sa pangalan ko at patingin ko si Ryan tuwang tuwa ako nung nakita ko siya ay basta di ko ma explain yung feeling ko kumakanta siya naka mic pa ah. habang papunta sa akin with a bouquet of flowers pa at super laking teddy bear, Mahilig talaga siyang mang surprise di ko na nga mabilang kung ilan na yung nagawa niyang pagpapakilig sa akin eh, minsan pa nga magkasabwat pa sila ni mami. Ewan ko ba kung anong ginawa ni Ry para makuha ang kiliti ni mami at nila daddy.
So ayon na nga I know this is the perfect time to say yes para maging girlfriend na niya ako pero paano? Gusto ko yung tipong magugulat siya? Yung wala siyang idea kung ano ang sasabihin ko sa kanya? Hayyy paano ba ?
Heeeeellllp me please!
habang nag fafacebook ako at binbrowse ko yung profile niya!
"Aha! alam ko na "
