Thank you po sa patuloy na pagbabasa ng story ko :)
kahit medyo di ganun kagandahan! mehehehe.
Pero andiyan ka pa din! Thank you :3
Comment and Vote po please :3
-------------------
"Pero mommy hindi naman po ako ang may kasalan eh" inis na inis na ako! pano ba naman si mommy pinagsosorry ako kay Ryan, Eh db ako ang anak niya bakit ganto siya?
"Bakit sinabi ko bang ikaw ang may kasalanan nak?Dapat nga nak matuwa ka pa eh,dahil nagseselos yang boyfriend mo, aba kung hindi magtaka ka na". What? ano pinagsasabi ni mommy.
Me : ?_? may facial expression bang ganyan .
"What im trying to say nak mahal ka ni Ry normal lang na magselos siya kasi mahal ka niya " Ah okay. Alam ko naman na mahal niya ko eh Pero he's acting too much. Para bang i betrayed him, Agad agad!
"Got it mom, Pero ayoko na ako ang gagawa ng first move, babae kaya ako noh duh!" ganyan talaga ako makipagusap kay mommy hindi po ako bastos pero ganyan talaga kami magusap parang tropapits lang.
"Nak sa isang relasyon kasi dapat give and take, kumbaga hindi lagi yung lalaki na lang yung gagawa ng move yung para bang pag babae may kasalanan pero sila nagsosorry minsan kailangan din nung babae magpakumbaba simple lang naman magsorry eh di naman mawawala ang pagkababae mo dun eh, minsan masarap din kumain ng pride nakakaginhawa ng pakiramdam, Sabi nga sa quotes "When pride begins love ceases" Nakakasira ng relasyon ang pride nak, kaya magisip isip ka,oh alis na ako *kiss sa cheeks* malalate na ako bye " Napaisip ako sa mga pinagsasabi ni mommy ah. Inhale! exhale ! inhale ! pakamatay na kaya ako wag na magexhale !OA ko eh! Isip Isip!
"Simple lang naman magsorry eh hindi naman mawawala pagkababae mo don eh"
"Simple lang naman magsorry eh hindi naman mawawala pagkababae mo don eh"
"Simple lang naman magsorry eh hindi naman mawawala pagkababae mo don eh"
"Simple lang naman magsorry eh hindi naman mawawala pagkababae mo don eh"
Fine magsosorry na ! Tama nga naman wala naman mawawala eh! Napagisipisip ko din yung sinabi pang isa ni mommy na kahit babae ang may kasalanan lalake parin ang nagsosorry!
Ganon kasi ako minsan eh! ay Mali Lagi pala hahaha.
**** flashback!******
Nasa bahay kami ngayon ni Ry busyng busy sa pag gawa ng mga project, Assignment at kung ano pang school works tinutulungan niya ako lagi bilang matalino at masipag siya pero hindi ko siya pinilit ah !hindi ko po siya binoyfriend para maging alalay unlike other girls.
He insist na tutulungan niya daw ako may magagawa pa ba ko sa gwapong nilalang na to?
*nagvibrate yung phone ko*
"sino yang nagtext?" sabi ni Ry habang nagdradrawing sa may illustration board
"Wala yung ex ko lang" hahaha kailan pa ako nag ka ex. Sinusumpong nanaman ata ako nang pagkahyper at pangiinis kay Ry. Sabay takip ng bibig ko "Ay yung friend ko pala" haltang buwisit yung mukha niya hahaha.
"Pakisabi sa ex mo na mamaya na magtext pag wala na ako dito" nagsmirk lang siya tapos halta mong buwisit at nagsalubong ang kilay niya.
"Okay" Ngiti ko naman sabi parang tanga to alam naman na wala akong ex eh.
"nagreply siya what time ka daw aalis?" Lakas ko talaga mangasar hahaha. . pinipigilan ko yung tawa ko nang biglang
"Uwi na ako " Hahaha. mission accomplished! Pikon na siya.Wala naman ako katext gm lang ni beki un eh!
"San ka pupunta?"
"Mambabae" Ano daw?umusok yung tenga at ilong ko.
"Sige ha pagigihan mo ah" gumanti talaga siya?oh totoo lahat nang narinig ko .
"Okay" tapos nagsmile siya na parang nangaasar. Seryoso talaga tong lalake to!
"fine,wag ka nang bumalik dito magsama kayo nang babae mo" Tinutulak ko na siya palabas.
"Joke lang, parang ewan to ikaw nauna diyan eh,sinakyan lang kita ang pikon mo" Ung mukha ko hindi maipinta.
"Ewan ko sayo" -.-
"Joke lang babe, Sorry na :3"
"Tigilan moko, dun ka na sa babae mo magsama kayo,Letse" galing ko mampikon no pero ako ang isang dakilang pikon.
"Okay" Aba umokay na naman! Inaasar talaga ako nang lalaking to eh! Tapos umakap siya nang mahigpit sa akin.
"Oh bakit andito ka pa?" inaalis ko yung pagkayakap niya sa akin.
"Sabi mo dun ako sa babae ko,eh ikaw lang naman ang babae ko babe" kinilig ako dun ah! hinigpitan niya pa yung pagkakayakap sakin.
"Sorry Babe!" Sabi niya pero ako hindi ako nagsorry ewan bakit hindi ko kaya magsorry sa kanya.
***end of flashback********
---------------------------
A/N:
Vote and Comment please :3