Chapter 2: Daldalan at Kulitan

43 1 2
                                    

"Maris!" Sigaw ng isang lalaki sa likod.

Lumingon ako at nakita ko na si McKoy pala yun kaya nginitian ko siya habang kumakaway ako sa kanya. Si McKoy nga pala ang aking chinitong childhood friend/boy best friend. 6 years old ako at 7 years old naman siya nung una kaming magkilala. 6 months lang ang pagitan namin. Close friend ang mama ko at ang nanay niya kaya kapag pumupunta kami sa bahay nila o sila naman ang pumupunta sa amin, palagi kaming nagkikita at naglalaro kami. Doon nag simula ang friendship naming dalawa. Anyways, nung naka-ayos at nakapila na kami ay nag-usap na kami ni McKoy dahil magkatapat naman kami.

"Oh, late ka na naman" patawang sabi ko.

"Oy, hindi ah, sakto lang pasok ko. Nakahabol pa nga ako dito sa flag ceremony oh" sabi niya sa akin. Nag usap lang kami hanggang sa nag start na ang flag ceremony.

Natapos na iyon at bumalik na kami sa classroom. Pinuntahan ko si Louisa sa upuan niya at itatanong ko siya kung ano yung sasabihin niya pero bago ako nakapagsalita ay inunahan niya ako.

"Bakit parang puyat ka?" nagtatakang sabi niya sa akin.

"Wow! Ngayon mo lang napansin. Pano ba naman, chinat mo pa ako kagabi. 1:00 AM na rin tayo natapos" nakakunot na sabi ko.

"Sorry, sorry, na excite lang talaga ako para ngayon dahil ang rami kong kwento sa iyo" sabi niya sa akin na nakangiti.

"Ano nga pala yung gusto mong sabihin sa akin kanina?" nagtatakang sabi ko sa kanya.

"Ah, kasi, ganito, nakikita mo yung guy doon sa likuran. Ang cute niya noh. Crush ko na siya" sabi niya sa akin habang kinikilig.

"Sus, para ba namang hindi ka nawalan ng crush" patawang sabi ko habang nakakunot lang siya sa akin, tinitingnan ako ng masama.

"Bakit, masama bang magka crush, tsaka iba to noh, in love na ata ako" angil niya.

"Ngayon mo lang nakita, in love ka na agad?" tanong ko sa kanya.

"Bes, that's what you call love at first sight. Palibhasa kasi di ka pa nakaka move on kaya ka ganyan sa akin." patawang sabi niya.

"Hoy! Wala lang akong time para diyan, study first muna ako"

"Sus, meron kang bagong crush noh? Tsaka ang rami raming gwapong nagkakagusto sa iyo oh, tapos ayaw mo sa kanila. Sino ba kasi yung crush mo?" Nagpupumilit na tanong niya.

"Wala. Di ko sila type ano ka ba. Wala nga sabi!" sabi ko paangil. Bago siya makapagsalita ay biglang dumating yung teacher namin kaya umupo na ako.

(Author's Note: Sorry po kung maiksi yung Chapters 1 and 2.) ✌️😄

My Best Friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon