Chapter 4
[-past]
(1818)
Raphael's POV
Kasalukuyan akong naka tayo gilid ng dalampasigan ng madatnang papalapit si Clarissa saakin...
"Raphael!" Sigaw niya saakin at tsaka tumakbo papalapit sakin,
Akma akong lalakad palayo sakanya nang harangin niya ang dadaanan ko
"Iniiwasan mo ba 'ko?" Halata ang pagkalungkot sa mga boses niya
"Hindi" matipid at walang ganang sagot ko
4buwan na ang lumipas magmula nang makilala ko siya, pero kailan lang ako naliwanagan sa sarili ko na gusto ko na pala siya... Alam kong gusto siya ng kapatid ko at ayokong taluhin ang babaeng gusto niya
Nilampasan ko siya at literal na napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niyang "gusto kita"
Nilingon ko siya at nakita ko ang mga luha niyang nagbabadya nang tumulo
"Ako rin naman, kaya lang hindi tayo pwede sa isa't-isa.. Alam kong alam mo na gusto ka ng kapatid ko, hindi ko gustong agawin ang minamahal ng nagiisang kapatid ko" bigkas ko. Tsaka ko siya hinarap
Pinunasan ko ang mga luha niya na hindi na natiis pang pigilan,
Tsaka siya nagsalita ulit"Natatandaan mo pa ba? Nu'ng
Magisa akong umiiyak sa parke noong bata pa tayo?""Ikaw, yung naging kaibigan ko hanggang sa iwan ko 'tong baryo'ng 'to para mag-aral sa maynila, nu'ng naaksidente ang sasakyang sinasakyan namin patungong maynila akala ko mama-matay nako, wala akong ibang hinangad kundi makabalik sa lugar na kinagisnan ko kung saan naro'roon ka, nung nasa kolehiyo nako ay nakilala ko ang kapatid mong si Nicolas..." Tahimik akong nakikinig sakanya at hinahayaan ko lang siyang mag salita
"Pagaaral sa medisina ang kursong kinuha ko dahil naalala kong 'yun ang gusto mong kunin na kurso pagdating ng panahon,
Naging kaibigan ko si Nicolas
Di kalaunan ay nagustuhan niya ko at pumayag akong magpaligaw sakanya, pero nu'ng makabalik ako dito at muli kitang nasilayan ay tila ba nakabalik ako sa panaginip na ayaw kong matapos" lumuluha pa 'ring tugon niya"Raphael mah----" di na niya natapos pa ang kanyang sasabihin ng biglang dumating si Nicolas
"Clarissa! Andiyan ka lang pala"
Napa lingon ako sa kapatid ko, agad namang pinunasan ni Clarissa ang kanyang mga luha"Umiiyak ka ba?" Nagaalalang tugon ng kapatid ko kay Clarissa
"Hindi, napuwing lang ako habang kinakausap ko si Raphael, hindi ba Raphael?" Pagdadahilan niya naman
Tumango-tango ako bilang tugon
Naglakad sila papalayo, 'yung kapatid ko... Mapapansin mong sobrang saya niya kapag kasama ang babaeng simula't-simula pa lang ay mahal ko na..
Literal na nakaramdam ako ng lungkot habang pinagmamasdan silang dalawa,
Nilingon ako ng kapatid ko tsaka ako tinawag "kuya, tara na't kakain na" masayang sigaw niya habang tinatawag ako.
BINABASA MO ANG
Once Again
Historical FictionSi Raphael Jose De Jesus ay isang guro at doktor, wala ni isa ang nakaka alam kung anong motibo ng pagpatay sakanya, namatay siya noong 1819 At ang kaniya namang minamahal na si Maria Clarissa Montifalco Ay nagpakamatay noong ding taong 'yon ...