chapter 3

57 10 0
                                    


[Epal's note: wag kayong malilito ah hahaha, don't forget to vote and comment nadinkayo kung trip niyo hehe]

--------------
[-PAST]

(1818)

Raphael's POV.

Agad kong iminulat ang aking mga mata . Umaga na pala...

" Magandang umaga, Guro" bati ng isa sa mga Tauhan ko. Nasanay na ako na Guro ang tawag nila saakin. Kaya okay lang...

"Magandang umaga rin" bati ko sakanya

"Teka, nakita mo ba kung nasaan si Nicolas?" Dagdag ko pa

"Aah. Nasa tabing dagat po yata nagpapahangin.. Wala ho ba kayong iuutos mahal na guro?"

Nasa tabing dagat pala siya...
Madalas siyang nandon kapag may problema siya.

"Aah yung mga libro na sinulat ko pakibigay mo sa mga Taong gustong matuto magbasa, pagkatapos ay papuntahin mo sila dito sa aking bahay upang sa gayon ay malinawan sila sa mga nakasulat sa aklat na 'yon"

Tumango lang siya at agad na ding umalis, ako naman ay agad na pumunta satabing dagat upang yayain kumain ang aking kapatid.

Palabas na sana ako ng aking bahay ng may mahagip ang aking mga mata na isang magandang babae.

Naglalakad lakad siya sa labas ng bakuran ng aking bahay at parang masaya niyang sinisilayan ang mga bulaklak na naka tanim 'don ..

Unti unti akong lumapit sakanya

"Magandang pagmasdan hindi ba?" Naka ngiting sabi ko sa kanya.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon