"Ready 3,2,1 action." Sigaw ng director habang naka focus sa emcee ng show ang lens ng camera.
Kinakabahan ng husto si Black at biglang napa-isip kung tama ba na pumayag siya sa interview na iyon. Pero nandoon na siya at hindi na siya maaring mag back out.
"Black? How are you feeling for having this kind of interview for the first time?" Sambit ng lalaking emcee na kilala sa tawag na Jae.
"Actually, kinakabahan talaga ako but I am fully ready and I am doing this for those people who believe in me." Ani Black habang naka smirk. "Thank you for having me here."
"Hindi na kami magpa-ligoy-ligoy pa. Tila naging super viral ng video mo'ng kumakanta ka ng "the secret love sove song", sa dami ng nag-cover ng kantang ito, ang cover mo ang nag-trend ng husto dahil sa kakaibang emosyon na dinagdag mo sa kanta. Saan nang-gagaling ang emosyong ito?" Seryosong tanong ng ni Jae.
Alam ni Black na ito ang tanong ng karamihan kaya hinanda niya ang sarili sa tanong na ito pero sayang lang ang lahat ng paghahanda niya. Dahil lahat ng nakaraan ay bumabalik at naglalaro sa memories niya.
Nine years ago
"Black!" Sigaw ni Jack habang tumatakbo papunta sa kanya.
"Bakit na naman? Tiyaka ba't kaba tumatakbo?" Nagtataka siya sa pagmamadali ng kaibigan.
Tinapon ni Jack ang dala nitong bag at tumakbo palayo.
"Tsk. Ano naman bang gulo ang pinasok ng ugok na'to?" Bwesit man wala na siyang magawa kung hindi dalhin ang bag na tinapon nito.
Nag-umpisa na ang klase sa all boys school na iyon ng biglang huminto ang teacher sa pag-discuss nang may pumasok na bagong estudyante.
"Class, this is your new classmate. Please introduce yourself Jinu." Sabay turo sa bagong estudyante.
"Good morning. I am Jinu Park." Maikling pagkilala sa sarili dahilan para mabalot sa katahimikan ang buong classroom.
"Ahmm. Ahem. That's it. Jinu, you can sit beside Black Mino. Seeing it's the only vacant sit. Okay class, that's all for today. Please take good care of Jinu."
"Yes, Ma'am." The Class responded with excitement. It might be because of the new student.
Inayos ni Black ang upo-an ni Jinu at kinuha doon ang bag na tinapon ni Jack sa kanya kanina. Niyakap niya ang bag at sinalubong si Jinu ng Smile pero expressionless lang ito ng biglang hinablot nito ang bag na akap-akap niya. Napatayo siya at nabitawan ang bag na ngayon ay hawak na ni Jinu. Napa-isip siya sa kung bakit ginawa nito iyon. Naka-upo na si Jinu at ng hawakan niya ang bag na hawak na nito, nag-angat ito ng ulo at tinitigan siya na para bang ang sama niyang tao. Galit ang mga mata nito.
"Bag ko ito. Gusto mo bang ma expel sa school na ito?" Hinablot nito ang bag at nagbaba ng tingin. "Ma-upo kana, baka biglang dumating ang susunod na teacher. Ayaw ko ng gulo." Kalmang sabi ni Jinu.
Lumabas si Black at pinuntahan si Jack sa kabilang classroom. "Jack? Kanino ba iyong bag na tinapon mo sakin kanina?" Sigaw niya sa kaibigan na ikingulat naman nito. Tumayo ito at kinuyog siya sa kung san walang makakarinig sa kanila.
"Jack? Ano ba?" Hindi na maintindihan ni Black ang nangyayari.
"Black? Sorry talaga. Hindi ko rin alam bakit bigla ko nalang kinuha iyong bag niya ei. Isasauli ko n asana sa kanya kaso noong papunta ako sa kanya, narinig ko na kausap niya iyong director ng school. Black, tatay niya yong director ng paaralan natin at e-expel niya pag nalaman niya kung sino kumuha ng bag ng anak niya. Patay ako sa nanay ko." Paiyak na explain ni Jack.
"Ako? Pano naman ako? Magkaibigan tayo pero ipapahamak mo ako ng ganito?" Nilayasan niya na lang ang kaibigan.
Nag-aalala si Jinu dahil hindi na bumalik ng classroom si Black. Alam naman niyang hindi ito ang kumuha ng bag niya pero natatawa siya sa expression nito kanina. Ang totoo inantay niyang manlaban ito, kahit kinakabahan siya sa tangkad ba naman ng Black na iyon. "Hahahahah"
Tapos na ang lahat ng klase. Hindi na nakita ni Jinu si Black kahit noong lunchtime. Paalis na sana siya kaso nakakalat pa ang gamit ni Black sa mesa nito. Inayos ni Jinu ang mga gamit at nakita nito ang address na nasa notebook nito.
Nasa harap na ngayon ng bahay ni Black si Jinu. Nag doorbell siya at lumabas ang kasambahay. "Ahmm, Goodeve po, nakauwi napo bas i Black? May naiwan lang po kasi siyang gamit sa school? Tanong ni Jinu sa kasambahay.
"Nasa loob po siya sir. Pasok po kayo." Aya ng kasambahay.
"Wag napo. Pabigay nalang poi to sa kanya." Tanggi ni Jinu.
"Nakuw Sir, mapapalitan ako ng mama ni sir Black kapag di po kayo pumasok ei. Sige napo sir." Pamimilit ng kasambahay.
"Ah, sige po pero saglit lang po ako." Napilitan na lamang si Jinu.
Nasa sala si Black pati ang nanay nito. Nabigla si Black ng pumasok ng pintoan si Jinu. Hindi na siya pumasok buong araw dahil nahiya siya sa nangyari kanina.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Jinu
"May naiwan ka kasing Gamit sa school, dinaan ko lang."
Tumayo ang nanay ni Black at niyaya si Jinu na umupo.
"Classmate kaba ng anak ko? Umupo ka muna. Nakuw, salamat sa paghatid ng gamit ng anak ko. Ewan ko bah kung bakit napaka burara nitong anak ko. Bagong classmate ka ba niya? Kasi parang ngayon lang kita nakita?"
"Upo tita. Kakalipat ko lang po kanina." Naka smile ito.
"Tutal magdi-dinner na kami, sumabay kana. Maghahain lang kami ni Lala (Kasambahay nila Black)."
Naiwan si Black at Jinu sa sala. Tahimik lang at sobrang awkward ng pakiramdam. Tinignan ni Black si Jinu, bumalik na naman ito sa pagka-expressionless. Ano ba ang taong ito? "Baka bipolar? Hehehe." Tinignan niya ulit ito pero ang totoo napaka gentle lang ng aura nito kahit expressionless, alam niyang mabait na tao ito.
"Anong tinitingin-tingin mo?" lumingon ito sa kanya at bigla siyang kinabahan sa titig nito.
"Bawal ba?" "Aishh. In-admit ko na tumitingin ako sa kanya?" Tumingin nalang ulit siya sa TV "Sorry, sa nangyari kanina. Hindi ko kasi alam na sa iyo pala iyong bag.
"Huwag kang mag alala hindi kita isusumbong sa Dad ko." Nag smirk lang si Jinu.
"As if naman takot ako ma-expel."
"Want to try?" Tinitigan ni Jinu si Black at tumingin din ito sa kanya.
"Love can happen to whatever circumstances" -Anonymous
YOU ARE READING
"Love me not"
RomansaIs it real? That distance and time can heal all wounds? When it's been nine years ago but you still lingers in my mind and still stays in my heart. Love is difficult to understand and is hard to let go. Why not change the quote to; "Wounds is never...