"WHAT!?" Sigaw ko! Noo! This can't be! Hindiiiii!? "What? Diba sinabi ko na? Uulitin ko pa ba? Owkay, titira ka sa isang bahay malayo dito. At lilipat kami sa isang bahay para di mo kami mapuntahan. Still, susustentuhan kita. Pero dun sa magiging bahay mo may makakasama ka. Isa din silang katulad mo na walang sinasanto. Maski sarili mong magulang. Bahala kayo sa buhay ninyo dun! Si ninang Amelyn mo ang nag-offer sakin neto. At nakita kong maganda naman kaya tinanggap ko na. So you're leaving tomorrow. Pack your things up. I am giving you the freedom you want me to give you." Sabi ni Daddy. "No, dad! You're impossible! Super! I--! Omygosh!" Panic ko. 'Di pwede! Noooooooo~ err! "Anong 'no'? 'Di pwede! 3 years! Mabuti pang nandun ka nalang sa Mamita't Papsi mo sa Germany! Dito kapa nagkalat! 3 years naming pinagtyagaan ugali mo! Hindi naging maganda pagpapalaki sayo ni Tita Ametist mo sa Singapore! Kaylangang kaylangan mo 'yan anak!" Sabi ulit ni Daddy. "Mommy? Any violent reaction? Pleaaaaase! Tell daddy to stop doing this stupidity!" Sabi ko kay mommy, but I saw her smiled at me "Anak, this is just for a while.. Hanapin mo muna ang sarili mo. Please anak, you need this." Nakangiting sabi ni Mommy sa'kin pero naiiyak na. "How 'bout my studies?" Sabi ko "May school na malapit dun. Elementary and Highschool. Pati na rin College." Haaay! Highschool student palang ako, and then they will prefer me being independent?
Dahil lang tumatakas ako tuwing gabi at sumasama sa mga barkada ko?
Dahil lang bagsak ako sa mga subjects ko kahit sabi nila may ibubuga naman ako?
Myghaaaaad! 'Di na ako makakapalag neto. Walang naging desisyon si daddy na hindi nasusunod, depende nalang pag di siya sinangayunan ni mommy. Kaso pumayag eh, haaaays~ Grade 8 palang akooo!
"Okay." Yan nalang ang nasabi ko bago ako pumunta sa kwarto ko.