*Chapter 02-New School here I come
Zyarah's POV
"Gooooooood Morning Philippines!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Meng, "Ano ba 'yun Meng! Ang ingay mo. Every morning. Every---bahala ka." Sabi ni Jiselle at nagkusot ng mata. Nakita ko si Heldrix na nasa harap ng PC. Tumayo ako at lumapit sakanya. "Ano 'yan? Ang aga pa ah? Anong oras ka nagsimulang maglaro? At anong laro 'yan?" Sunod sunod kong tanong. "Ang dami mo namang tanong. Eto ay PC. Oo, maaga pa. Nagsimula akong maglaro ng 4:00 AM. Laro na 'to ay LoL o League of Legends." Sabi niya din ng sunod sunod. "Di ba sumasakit mata mo jan?" Sabi ko, "Sanay na ako." Sabi niya din. "Ah, Oo Ate Zyarah! Diba Meng? Sanay na sanay si kuya Heldrix. Kami din nasanay na diyan. Nababantayn niya din kami dahil jan." Sabi ni Jiselle. "Oooow, okie. Puyat ka pala lagi. Di halata, chinito ka kasi eh. Di ka naman mukhang pinirito don't worry." Sabi ko. "Tama na satsat. Pabangunin niyo na si Shannie at papasok pa siya sa school, tayong tatlo wag nang papasok ieenroll natin si Zyarah. Hala sige magsikilos na." Sabi ni Heldrix,
****
Nakabihis na kaming lahat, nagtititigan na lang kami. "Owkay, so ano na? Magtititigan tayo here hanggang matunaw?" Sabi ko. "Ah, oo. Tara na. Magdala na kayo ng barya para sa pamasahe." Sabi ni Heldrix, "Pamasahe is used for?" Sabi ko. "Paying." Sabi ni Heldrix, "Paying what?" Sabi ko ulit. "Magcocommute tayo." Sabi ni Heldrix!! "HUWAAAAT!? COMMUTE! I DON'T KNOW HOW TO DO THAT, OH! MY! GAHD!" Panic ko. Di ako maruning magcommute! "Kasama mo naman kami. Saka para masanay ka na din, diba? Walang sasakyan na iniwan ang parents natin dito kaya magtiis tiis ha?" Sabi ni Heldrix. "Okay, leggo."