*Chapter 01- First Day with Them
"Maaaaam! Maaaam! Gising na ho kayo!" Katok ni yaya Mayeng sa pinto ko. Kahapon pa ako gising. Di ako nakatulog. Di lang ako lumalabas kasi ayaw ko pang umalis dito. Ayaw ko pa. Umiiyak lang ako buong gabi magtutulog-tulugan nalang muna ako.
By the way. Ako nga pala si Bettylyn Zyarah Epifania Cruzelda . Grade 8 palang ako. Pinanganak ako dito sa Pilipinas pero pag-tungtong ko ng 1y/o dinala na agad ako ng mga magulang ko sa Singapore, dun sa tita Ametist ko nga. Tumira ako dun ng 4 years. And then nung bakasyon, lumipat ako sa Germany kay Mamsi tsaka Papsi. Lolo and Lola ko sa side ni Mommy. Si tita Ametist sa side ni Daddy, kapatid ni Daddy I mean. 12 years old palang ako. Incoming 13.
"Maaaaam! Aalis na po kayo!" Sigaw nanaman ni yaya Mayeng. "Yaya pwedeng mamaya na?! Ang kulit mo! Diba kayo makapaghintay na mawala ako! Stupid! Layas!" Sigaw ko. Nawala na din sawakas! Napakaingaay! Siya kaya lumayas dito leche siya! Seeee? Ganyan talaga ugali ko. Kaya ayaw na ako dito nila Mommy at Daddy. May kapatid pala ako si Prince Evon Epifania Cruzelda. 7y/o na yun. Haaays~ makababa na nga.
*****
"Buti bumaba kana, maligo kana para makaalis kana." Sabi ni Daddy, "Masyado ka namang excited na umalis ako. 'Yung totoo? Pwedeng kumain muna ako? Kunyare di kayo excited na aalis ako. Masyado kayong pahalatang excited kayo eh. Kayo na kaya umalis?" Sabi ko. Di na lang umimik si Daddy. Kumain na ako.
Pagtapos kong kumain naligo na ako.
***gate***
Haynakoooo~ aalis na talaga ako. "Anak ingat ka dun ha? Mamimiss kita. Iloveyou anak." Sabi ni mommy at niyakap ako. "Sus, tama na nga! Tigilan niyo ako kakadrama ninyo, papaalis paalisin niyo ako tapos dadramahan ninyo ako? Pssh~" pero syempre naiiyak na ako nun. Naramdaman kong umiiyak na si mommy kaya binawi kina yung pagdedemonya ko "Wag ka nang umiyak, Mommy. Opo, mag-iingat ako dun. Mamimiss din KITA. IloveYOU more MOMMY." Diniinan ko talaga paglaaksabi ko nung mga katagang 'yun. Meaning, si mommy lang talaga.
"Osya, umalis kana Zyarah." Sabi ni daddy. Bitter kasi. "Okay then, bye mommy!" Sabi ko. Nakita kong ngumiti si mommy kaya bago ako pumasok sa kotse umiyak ako sa bisig niya "I will miss you mommy. Super. Super duper as hell. Iloveyou, take care of yourself. Iloveyou. Iloveyou. I will miss you. Bye." Sabi ko kay mommy at pumasok na. Pinunasan ko 'yung luha ko at pumasok na sa kotse, kumaway ako sa bintana kay mommy.. Hayys, Independent life! Here I come.