Short Story

281 16 11
                                    

Naging Stalker Ako

A short story written by: StrawberryStation

ALL RIGHT RESERVED

No part of this book may be reproduced in any manner whatsoever or transmitted in any form or by any means, electronics or mechanical, including photocopying, copying and pasting, printing, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, expect where permitted by law.

---

“ipaparape ko siya. Hindi ako makakapayag! Walang sinuman ang babae na bumabasted sa akin!”

Halos maibuga ko sa kanya ang iniinum kong softdrinks na nakalagay sa plastic at puno ng yelo. Nababaliw na ba siya?!

“pare tigil tigilan mo ako ah! Ayoko niyang binabalak mo!”

“hahaha! Ito naman jinojoke ka lang! Bakit pa ako magsasayang ng oras sa walang kwentang babae na yun?”

“ang sama ng joke mo pare, hindi nakakatuwa.”

Kinagatan ko ang burger ko na puro tinapay lang at kakapirangot ang patty sabay sipsip sa iniinum ko at sabay dighay. Mula sa malayo ay sinundan namin ng tingin ang isang babae na may dala dalang libro at patungo siya sa Xeror copy. Agad akong tumingin kay Steve at hinarang ko ang mukha ko sa paningin niya dahil nanlilisik ito sa direksyon ng babae.

“joke lang yung sinasabi mo kanina diba?”

“o-oo naman no! Hindi ko gagawin yun. Hindi lang kasi ako makamove on dahil sa ginawa niya. Sige aalis na ako.”

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at naglakad paalis. Hindi kami sabay umuwi dahil hindi parehas ang schedule namin. Itinapon ko na sa basurahan ang pinagkainan ko at tumayo narin ako. Oo nga pala, may handouts akong kailangan I pa xeror.

Pagkapasok ko sa pinto ay nagtama ang paningin namin ni Kathleen. Siya ang babae na bumasted sa kaibigan ko na si Steve. Agad rin kaming umiwas ng tingin sa isat isa at nagbulatlat ako ng libro doon upang hanapin ang librong kailangan ko.

Matagal ko ng kaibigan si Steve simula high school. Lagi kaming nangbubully noon pero nagbago naman kami. Pero ako ang nauna at sumunod lang siya. Mayaman ang pamilya ni Steve. Ibig sabihin, kaya niyang bilhin lahat ng gusto niya. Nakukuha niya ang isang babae dahil sa material na binibigay nito. Mga materialistic na mga babae. *tsk tsk tsk* Puro arte lang sa katawan ang gusto. Kaya kahit isa ay wala pang bumabasted sa kanya. Maliban nalang kay Kathleen.

Si Kathleen ay isa sa mga DL ng school namin. Maganda siya at simple lang. Balita ko No Boyfriend Since Birth daw yan. Magaling! *clap clap clap* MVP din siya ng Volleyball club kaya kilalang kilala siya sa school. Ang dami ngang nagulat nung binasted niya si Steve eh. At kasama na ako dun. Sa nagulat ah!

“39.50 lahat.”

“ito po ang bayad.”

Ibinigay ko ang kwarenta pesos ko na isinukli pa sa akin ng tindera ng burger kanina sa tapat ng school. Muling bumalik ang babaeng may edad na at kinuha ang libro ng katabi ko na nakapila sa akin kanina.

“manang yung sukli ko po?”

“may sukli ka pa?”

“sabi niyo 39.50 lahat yun. 40 ang ibinigay ko. Edi may sukli pa ako.”

Muli siyang umalis at padabog niyang inilagay sa counter ang 50 sentabos. Aba? Menopause ka teh?

“50 sentabos nalang kukunin pa!”

Naging Stalker Ako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon