BBVSBGBAL 23

15 2 0
                                    


SMILE & MJS ON MULTIMEDIA 😉 Couple ayie! ❤❤

--

Naalimpungatan ako kaya nagising ako. Parang ang bigat ng pakiramdam ko kaya napamulat ako and that, may nakayakap pala saken kaya mabigat. Napatingala ako at nasalubong ko ang tulog na tulog na si jairoh. Napangiti ako. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mukha niya. Matangos na ilong, nakinis na balat, singkit ng mata, red lips, almost perfect.

Napakunot ang noo ko ng mapadako ang mata ko sa buhok niya. Nagpakulay siya ng buhok. At ang kulay ay kagaya saken. Nakaramdam ako ng kilig sa katawan ko. Ghad! This man is really amaze me.

Napangiti nanaman ako. Ano ba iyan! Kanina pa ako ngiti ng ngiti kainis.

Unti unti kong tinanggal yung kamay at binti niyang nakapulupot saken at nagawa ko naman ng hindi siya nagigising.

Tumayo na ako at bumaba. Nakasalubong ko naman si aling pasing at sumabay na ako sa kanya papuntang kusina.

"Anong ipapaluto niyo ma'am?" Sabi ni aling pasing.

"Ako na pong magluluto aling pasing. Magpahinga po muna kayo."

"Sigurado kaba iha?" Tumango naman ako kaya umalis nadin siya. Nilabas ko na ang ingridients ng lulutuin kong sopas.

Mga 30 minutes ay natapos na ako. Inamoy ko ang luto ko at nagutom ako bigla. Kumuha ako ng dalawang malaking mangkok para saming dalawa at nilagyan na ng sopas. Dinala ko na sa dining room nila na katabi lang ng kitchen room. Madaming abubot sa dining room nila kaya naisip ko nalang na sa kwarto niya nalang kami kumain. Nagpatulong ako sa ibang katulong na iakyat ang pagkain sa taas at ng makarating kami, umalis na agad yung katulong kaya inayos ko na lang yung study table niya. Inalis ko muna yung mga notebook at lapis na nakakalat at nilagay na dun ang dalawang mangkok ng sopas na umuusok pa. Nakisuyo na ako sa katulong na ilagay sa tuppperwear yung sopas at dalhin dito baka kasi mabitin si jairoh o kaya ay ako.

Nang matapos maayos ay lumapit na ako kay jairoh. Nakakunot ang noo nito.

"Smile. Smile." Tila nananaginip na sabi nito. Agad akong nakaramdam ng kaba kaya tinapik tapik ko siya sa pisngi kahit patuloy padin siya sa pagtawag sa pangalan ko.

"Hey wake up. I'm here."

"Smile. Smile." Naglabasan na ang mga luha sa mata niya. Shit. He's crying. Hinipo ko ang noo at inaapoy na siya ng lagnat. Nahuli niya ang kamay ko at agad akong hinapit palapit sa kanya kaya napahiga ako sa ibabaw niya at agad naglapat ang labi namin.

Shit!

Agad kong nilayo ang mukha ko at namumula na talaga ako. We kissed again. Ghad!

"D-don't le-leave me." Nakapikit pading sabi nito at nilagay ang kamay ko malapit sa puso niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya na sumasabay din sa bilis ng akin.

"S-smile. D-don't l-leave me p-please." Unti unting nagmulat ang mga mata niya at matamang nakatitig saken. Nagbabagsakan padin ang mga luha sa mga mata niya.

Ngumiti ako. At pinunasan ang mga luha sa mata niya. Napaka emotional niya palang magkasakit. "I won't. Di kita iiwan micael."

Ngumiti siya at unti unting pumikit. In just a second naramdaman ko na ulit ang labi niya sa labi ko. Nakatatlo sakin ang mokong na' to.

Napaka gana niyang kumain. Kakaiba siya sa lahat ng may sakit grabe!

Kinapa niya pa ang tiyan niyang busog na busog. Nakadalawang ulit lang ako ng kain and the rest ay siya na ang nakaubos nung niluto ko.

"Thanks god. I'm alive again." Tuwang tuwang sabi niya. Napairap naman ako at kinuha na yung gamot niya. Sinalinan ko ng tubig yung baso niya at binigay na sa kanya.

Badboys Vs. Badgirls Become a Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon