Kriiing... Kriiing...Kriiing...
Dali-dali kong pinatay ang alarm clock sabay takip ng mukha ko gamit ang unan.
Five minutes nalang. Inaantok pa talaga ako .
Zzzzzzz.....Zzzzzzz......TOK...TOK...TOK..
Ano ba yan!sinabi ng five minutes nalang.
Istorbo naman 'to.Padabog akong bumaba sa aking kama at nagtungo sa pintuan.
TOK...TOK...TOK..
Sino ba yan?
Ang aga-aga nambubulabog sa natutulog.TOK...TOK... TOK...
"SANDALI LANG. NANDIYAN NA."
Binuksan ko ang pinto at akma ng magsasalita ng bigla akong sabuyan ng malamig na tubig ng taong nasa harapan ko ngayon.
Lokong bata to!Alam ko na pangit ang gising ko at mainit talaga ang ulo ko. Pero di solusyon ang pagsaboy ng malamig na tubig para lumamig ang ulo ko.
ATEEEEEEEEEEEE!
Mabilis na tumakbo ang batang lalaki pababa ng hagdan.
Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng tuwalya para ipampunas sa aking buhok.
Bumaba ako para puntahan si ate at isumbong ang ginawa ng kanyang napakagaling na anak.
Nadatnan ko si ate na seryosong nagluluto sa kusina.
Samantalang ang batang lalaki ay nagtatago sa likod ng kanyang ina."Ate,may kasalanan sa akin yang si Tian-Tian."
Liningon ni ate ang batang nagtatago sa kanyang likuran, sabay sabing, "Baby Tian, ano na namang ginawa mo sa pinakamaganda mong tita???
Di umimik si Tian-Tian bagkus ay nanatiling nakatago lamang ito sa likuran ng kanyan ina at pangiti-ngiti pa akong sinisilip.
Pasaway na bata talaga!
I have no choice kaya ako nalang ang nagpaliwanag kay ate kung ano ang ginawa ng kanyang napakabait na anak (insert sarcasm here).
"Sinabuyan ako ng napakalamig na tubig netong anak mo. Akala yata nya ay uso pa ang ice bucket challenge. Jusme!
Pagsabihan mo yan ate."
Di ko na hinintay na magsalita si ate dahil sobrang badtrip na ako.
Umakyat ulit ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko.
Pagtingin ko sa phone ko,my G!23 messages received.
Mabilis kong tinignan kung sino ang mga nagtext sa akin.
Karamihan ay puro group messages lang na galing sa mga kaklase ko noong college.
Lahat yata ng gm nila ay may "i miss you" chu chu. Samantalang noong nasa college pa kami ay di naman nila ako pinapansin. Para lang akong isang estatwa na dinadaan daanan lang nila.
At dahil hindi ko na kaya ang mga kadramahan nila, ipinagpatuloy ko nalang ang pag-scroll down sa inbox ko hanggang sa may napansin akong text message from unknown number.
+63906*******
Good morning Madam MOT. :)
Ingat ka sa pagpasok sa school.
Kikiligin na sana ako pero, Aba!Loko 'to ah.
Lam-payatot ka pa man din.
Tawagin ba akong Lam-payatot. Payatot lang ako, pero hindi ako lampa.At higit sa lahat MAGANDA ako kahit payat. Sino kaya 'tong FC , Fried Chicken, este Feeling close na 'to. Lakas ng loob ah.
Scroll
Scroll
Scroll
-From: S.A.U.
S.A.U??? Special Assault Unit
S.A.U??? Sold and Unpaid
S.A.U??? Service Automation Unit
S. A. U. di (Saudi)
Di eh.
Baka naman USA. United States of America
Pero kung sa USA galing yung message, diba dapat english?
Hay! Sumakit lalo ang ulo ko. Naaabuso ang mga neurons ko. Di pwede 'to.
May Pa-SAU SAU ka pang nalalaman. Nakakain ba yun?
S.A.U. - Sira Ang Ulo. Tapos!
Hay!Bahala ka sa buhay mo. Kahit na sinabi mo na mag-ingat ako at kahit kinilig ako ng very very light ay di pa rin kita rereplyan dahil tinawag mo akong Lam-payatot. Hmmpf!
At dahil nabadtrip na ako for the second time, napagdesisyonan ko na maligo na at baka sakaling lumamig ang ulo ko.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay bigla na namang nagring ang phone ko.
+63906*******
Lam-payatot na Madam MOT, wer na u? Late ka na sa trabaho mo.
Kabago-bago sa trabaho, late agad. Sayang ang ibabayad ng gobyerno sa'yo.
-from S.A.U.
Tuluyan na akong sumabog. De joke lang! Sa sobrang inis ko sa Sira ang Ulo na nagtext sa akin, nareplyan ko siya ng wala sa oras.
To: +63906*******
Good morning SAU (Sira Ang Ulo)! Kung sino ka man, di kita kilala. At paano mo nalaman na ako si Madam MOT, aber? Ang lakas lakas ng loob mo na tawagin akong Lam-payatot. Bakit? Close ba tayo? FYI lang po, payat ako pero di ako lampa. Payat lang ako pero maganda ako. Atsaka kung makapagsalita ka, parang tatay mo ang nagpapasweldo sa akin ah. Kung sakali man na malate ako, ikaw ang may kasalanan. Maraming salamat sa'yo. Sira na ang araw ko.
Message sent.
Pagkasent ng message ko para kay SAU ay mabilis kong tinignan ang wallclock ko.
7:15 na at ang pasok ko ay ...
...7:00.
Late na akoooooooooooooooooooo!
Mabilis na lang akong lumabas ng bahay na parang si Flash patungo sa aking trabaho. Wala ng breafast breakfast. Diretso na sa work kahit late na ako.
Kasalanan 'to ng SAU na yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/69129594-288-k670211.jpg)
BINABASA MO ANG
Hugot ni Madam MOT
RomanceThis is a story of a NBSB(No Boyfriend Since Birth) teacher named MOT (short for Maria Olivia Tagaigib) and how she found her one true love.