PROLOGUE

23 2 1
                                    

Prologue

LSOrg HEADQUARTERS.

"THANK you for granting my request, Raven. Please take care of my son." Masayang saad ni Mr. Laxamana.

Tumango lang ang tinatawag nitong Raven. Confidential ang profile nito kaya naman hindi niya maaring makita ang hitsura nito. Nakamaskara ito ng katulad ng maskara ng isang sikat na hiphop dance group.

Nakasuot ito ng parang itim na cloak na may hood na nakatakip rin sa ulo nito. May black na guwantes rin sa mga kamay nito. Ang tanging pagkakakilanlan lang rito ay ang nameplate nitong nakakabit sa bandang dibdib ng sa oak. May nakaukit roong RAVEN. Sa leeg nito ay may nakasabit na ang pendant ay parang dogtag ngunit ang nakaukit ay LSOrg. Dalawang pendant iyon na may nakaukit rin na RAVEN sa ibaba ng LSOrg.

Kumikislap iyon sa tuwing natatamaan ng sinag mula sa ilaw.

Nakipagkamay dito si Mr.Laxamana na malugod naman nitong tinanggap.

"I have to go ahead, Raven," aniya pagkabitaw. "Nice meeting you."

Nauna na siyang lumabas ng opisinang iyon.

Hindi na niya nakita pa ang pagtanggal ng maskara ni Raven at ang makahulugang ngiti na sumilay sa mga labi nito habang hinahatid siya ng tanaw.

•••••••
(Warning: may contain a lots of typos and grammatical errors.)

©2016 JONEBLINK
ALL RIGHTS RESERVED.

LIFESAVER 1: MAID-LY-IN-LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon