Chapter One
LAXAMANA RESIDENCE.
"I told you already that I dont want a bodyguard! ," bakas sa guwapong mukha ni Dharius ang pagtitimpi habang kausap ang kanyang ama. "Dad! I cant risk the lives of others just for the sake of my life!"
Kalmado pa ring nagsalita si Mr. Laxamana. "But its better than to risk yours. You know I cant lose you son. I already lost your mother."
Saglit na natigilan si Dharius sa tinuran ng ama. Bahagya niya itong pinagmasdan at bagamat kalmado lang ang ekspresyob nito ay naramdaman niya sa tinig nito ang pag aalala. Gayundin ang matinding pangungulila nito sa kanyang pumanaw na ina.
Napabuga siya ng hangin. Ilang beses na nilang pinagtalunang mag ama ang tungkol sa pagkakaroon niya ng bodyguard. Labis labis kasi ang pag aalala nito sa kanya simula ng nagsimula siyang makatanggap ng mga death threats, last month lang. Ngunit hindi niya tinangkilik ang alok nitong bigyan siya ng mga bantay.
Katwiran niya, kung oras na niya ay oras na niya. Bakit kailangan pa niyang mandamay ng buhay ng iba? Kung sakali man na totoo ang mga bantang iyon sa buhay niya ay hindi niya maatim na may mamamatay na tao dahil lang sa pagpoprotekta sa kanya. Masakit mawalan ng mahal sa buhay , at sigurado siyang iyon ang mararamdaman ng pamilya ng taong mamamatay dahil lamang sa kanya.
At iyon ang ayaw niyang mangyari.
Ibinaling niya sa ang paningin sa lalaking nakatayo sa likuran ng kinauupuan ng ama niya. Kasing katawan niya lang siguro ito. Lamang lang siguro ito ng tangkad sa kanya. Nakasuot ito ng kulay itim na damit. Diretso ang tingin nito sa kawalan.
"Im not a perfect person, son."
Napatingin muli siya sa ama ng muli itong magsalita.
"But I want to be a good father to you. Hindi siguro ako naging mabuting asawa sa mama mo kaya siya nawala sa atin. Im irresponsible and a good for nothing person---"
"---Hey! Hey! Since when did I blame you for mommy's death eh? ," mabilis siyang tumayo sa kinauupuan at umupo sa tabi ng ama. Mahigpit niya itong inakbayan." Its not your fault if mom died on that car accident. It was an accident. Matagal ko na ring natanggap na wala na si mommy and that maybe, there's a good reason why she had to left us that soon."
"Pero kung sana nasa tabi ako ng mommy mo noong mga panahong iyon ---"
"Aish! Stop it , dad. Kinikilabutan ako sa drama mo," nakangiwing sansala niya sa ama. Alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakaka move on sa nangyaring pagkamatay ng kanyang ina, two years na ang nakakalipas. Batid niya ring sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng esposa dahil wala ito sa panahong naaksidente ang mommy niya.
Kasama ang family driver nila na siyang nagmamaneho sa sasakyan noon ng mawalan ito ng preno dahil sa nakasalubong na truck. Mabilis na nakaiwas ang truck samantalang sumadsad sa konkretong pader ang sasakyan. Sa sobrang lakas ng impact ay sumabog ang kotse and the rest is history.
Pinaimbestigahan na nila ang insidente at lumabas na aksidente talaga ang nangyari.
Labis iyong dinamdam ng ama niya. Ilang buwan itong hindi umuwi sa bahay nila upang maiwasan umanong maalala ang kanyang mommy. Pinagbakasyon niya ito sa states upang malibang. Bumalik lang ito ilang buwan lang ang nakakaraan.
Naiintindihan niya kung para saan ang takot nito.
"Son, ayoko lang mangyari ang nangyari noon. Pinagsisihan ko ng husto ang bagay na iyon. But now that Im aware that your life is in danger, ayokong maulit ang nangyari noon na wala akong nagawa. Gusto lang naman kitang protektahan."
Ilang minutong nanahimik si Dharius. Matamang nag iisip.
Seryoso man o hindi ang banta sa buhay niya , but those were still threats.
Napabuntong hininga si Dharius.
"Okay , fine. But promise me they wont be invading my privacy. I have some conditions in return. Okay?"
Unti unting sumilay ang matagumpay ng ngiti sa labi ni Mr.Laxamana.
"Thank you son," marahan siya nitong kinabig at niyakap. Tinapiktapik nito ang kanyang likod. Bakasa sa tinig nito ang saya. "Now, I'll be at ease."
Napapailing man sa kadramagan ng ama ay napangiti na rin ang binata.
Muli niyang sinulyapan ang lalaki sa likuran nito at bahagya itong yumuko sa kanya.
"Whats your name? " tanong niya rito ng kumalas sa ama.
"He's Raven. Dont worry. Ayon sa source ko, magaling siya at mapagkakatiwalaan katulad ng hawak niyang team. Your safe with him."
Hindi siya sumagot pero nanatiling nakatitig sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiwari niya ay hindi maganda ang kutob niya rito. Ngunit madali niya iyong pinag walang bahala.
Makahulugan lang itong ngumiti sa kanya. Na ginantihan niya lang ng tango.
'He's weird.'
BINABASA MO ANG
LIFESAVER 1: MAID-LY-IN-LOVE
ActionLIFESAVER series.. 1 MAID-LY-IN-LOVE "RAVEN" Nasa panganib ang buhay ng tinaguriang "The Gentle Giant" ng business industry na si Dharius Ford Laxamana. But instead of getting a bodyguard, he declined his father's request to have one. He cant take t...