Panaginip

9 0 1
                                    

Si Jaizel (hey-zel) ay isang kakaibang bata. Isang bata na may kakaibang takbo ng pagiisip at paraan ng pakikisama. Chubby, kulot, bibbo, makulit, parang normal lang kung titignan pero kakaiba pag nasimulan mo nang kausap. Strong ang personalidad ni Jaizel na para bang matanda na nasa katawan ng isang bata. At bata pa lamang siya lagi niyang sinasabi sa sarili niyang parang may kailangan siya hanapin para ganap na makumpleto ang buhay niya. Weird kung iisipin kasi walong taon lamang siya noon sinasabi niya yon.

Hindi pa tama para sa edad niya pero laging bukambibig niya ay ang makakasama niya habang buhay. Lagi niya napapanaginipan na siya ay ikakasal. Pero hindi sa simbahan.

Jaizel
Sa panaginip ko nakasuot ako ng pula at puting damit , naglalakad papalapit sa aking kaisang dibdib. Walang tao sa paligid namin kundi kami lang. Para akong naglalakad sa Milky Way. Parang isang kasalan sa Galaxy. Para akong nakalutang sa kalawakan . Madaming makulay na bituin sa paligid na lalong nagtitingkaran ang kulay habang papalapit ako sa makakaisang dibdib ko . Kahit malapit na ako sa kaisang dibdib ko di pa rin malinaw ang kanyang mukha, ang suot niyang damit ay hindi rin malinaw. Pero ang malinaw sa panaginip na yun ay pagnaghawak ang kamay namin napakadaming kuryente ang naglalabasan sa kamay namin. Para kaming namamagnet sa isa't isa. Habang nakahawak ako sa kanyang kamay haharap kaming dalawa sa isa't isa. Para bang lumalabas ang kaluluwa namin mula sa mga katawan namin , nagsasanib at biglang lilipad pataas bilang isang kaluluwa. Sabi nga ng spice girls 2 become 1. Palaging sa pagiisang yun natatapos ang panaginip ko.

Hindi ko masyado binigyan ng halaga ang panaginip na yun until unti unti siyang naglalaho kada gumagawa ako ng storya about sa sarili ko.

Habang lumalaki ako mahilig ako gumawa ng storya about sa akin na magmumuka akong interesante sa mata at pandinig ng mga makakaharap ko. Gusto ko lagi ako ang bida, ako ang namumuno at ako nasusunod. Hindi katulad ng mga normal na kabataan noon, puro pakikipagligawan ang inaatupag pagunawa sa ibang bagay ang gusto ko, reincarnation , zodiac signs , paguugali , karma , soulmates , mga ganyang bagay lang naiisip ko.

Wala nga nanliligaw sa akin nung highschool , siguro kasi hindi ako maganda. Pero wala akong pakialam kasi iba din naman ang gusto ko. At para hindi ako ma-OP sa mga kaedad ko, meron akong imaginary boyfriend. Para naman makarelate ako sa kanila yung mga eksena sa nababasa kong libro at napapanuod sa mga pelikula pinaghahalo ko at kunyari ay sarili kong buhay. Kapag naaalala ko natatawa ako sa sarili ko. Trying hard ako masyado makibagay. Trying hard na magustuhan ng iba para mayroon akong kaibigan. Nawala nang tuluyan ang panaginip ko. Hindi na siya lumalabas kahit anong himbing ng tulog ko. Paulit ulit lang sa utak ko ang mga ginagawa kong kwento. Nakakabisado ko na sila at minsan kahit ako mismo napapaniwala na sa mga kwento ko. Namimiss ko yung pakiramdam ko kapag napapanaginipan ko yung 2 become 1. Namimiss ko yung pakiramdam na malaya na ako sa buhay, na wala na mangyayari pang makakasakit sa akin. Hanggang sa nagiba ako.

 Hanggang sa nagiba ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWIN FLAMES (Undying Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon