Paghahanap

12 0 1
                                    

Pakiramdam ko nga'y mayroon akong layunin sa buhay ko. Isang bagay na kailangan kong gawin isang bagay na kailangan ko tuparin. Hindi lamang basta basta layunin, kundi isang tungkulin na kailangan gampanan. Tila ang buhay ko ay dun lamang iikot, tila hindi sapat ang aking katauhan. Buong buo ang aking isip, katawan at puso. Pero laging parang may kulang. Habang lumilipas ang panahon unti unti nangungulila ang aking kaibuturan sa isang pamilyar na pakiramdam. Nasasabik sa isang pamilyar na pagmahahal na simula kabataan ko ay di ko pa nararanasan. Dahil ba ito sa laging panaginip ko nung aking kabataan? O marahil dahil sa mga kwentong ginawa ko tungkol sa aking sarili na tila mayroon akong pagibig? 

Hinahanap ko ang aking sarili pero hindi ko matagpuan. Hindi ko makita kasi kilala ko na siya. Alam kong mayroong bahagi ang aking kabuluhan na sa ibang nilalang ko mararamdaman. Pagibig. Iniisip kong yan ang puno at dulo ng aking pangungulila. Walang lumalapit na pagibig sa akin. Paano ko kaya siya matatagpuan? Kahit humanga man lang sa akin ay wala? Paano ba? Saan kita hahanapin. Parang nagmamadali ang puso ko na makita ka at mahalin. 

Sumubok akong pumasok sa iba't ibang relasyon. Si Grasya, na noon ay wala pang alam kung tama ba ang aming ginagawa? Pareho kaming babae ngunit gusto namin ang isa't isa. Kahit gaano kami kalapit sa isa't isa, kahit magkasundo kami ng sobra, alam ng puso ko na hindi siya. Hinayaan na lang namin at nagdesisyon pakawalan ang isa't isa. Gusto ko siyang mahalin pero ayaw ng puso ko kilalanin bilang pagibig ang aking nadarama. Sigurado na akong hindi si Grasya. 

Hinayaan ko ang aking puso. Manahimik, magpahinga, maghintay kung dadating siya. Hanggang nakilala ko si Vince. Isang lalaki na wala man lang ako maramamdaman na kahit konting pagtingin pero sabi ng kaloob looban ko'y kailangan ko siya harapin. Kilangan ko siyang papasukin sa akin. Mayroon kaming tungkulin na kailangang tuparin. Sinubukan kong linlangin ang aking damdamin na baka magmahal ako. Pero hindi pala yun ang nakatakdang maganap sa aming tagpo. Hindi kami nagtagal. Hindi pa rin ako nagmahal. Sadyang may bunga lang mula sa kanya ang kailangan kong pitasin, kailangan ko makuha para madagdag sa aking pagkatao. Pero alam ng puso ko na hindi pa siya. Sigurado akong hindi si Vince.

Lumipas ang ilang taon ilang relasyon pa ang aking sinubukan pero wala pa rin. Bakit ba parang ang desperado kong mahanap siya. Habang tumatagal lalo akong nangungulila sa isang tao na hindi ko pa nakikilala. Sino ba siya? Nasaan ba siya? Nahihirapan na ang puso ko, nawawalan ng pagasa na matatagpuan ko siya. Anu ba itsura niya para maipost na lang sa facebook ang sketch niya?

TWIN FLAMES (Undying Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon