A/N : Medyo intense ako dun sa last part. Totoo kasing pangyayari yun. Binago ko lang mga names. Pero yung pakiramdam. Yun talaga yun. Itong part na 'to hindi ko pa alam kakalabasan pero sana magustuhan niyo rin.
- - - - -
Ilan taon na bang dumaan at nasanay na kong pumasok sa mga relasyon na walang laman. Mga relasyon na alam kong hiwalayan lang din ang hantungan. Pinapasok ko pa rin at sinusubukan kasi gusto ko maramdaman magmahal. Gusto ko malaman. Nagbabakasakali akong isa sa kanila ang hinahanap ng puso at kaluluwa ko. Pero wala talaga sa kanila. Sinubukan ko naman talaga. Pero bandang huli nasasaktan ko lang sila. Ilan beses kong narinig na ako ang karma nila. Ilan beses na naisumbat sa akin na ako lang ang minahal nila pero di ko masuklian. Mayroon akong pakiramdam na nakareserba na ang pagmamahal ko. Na kapag nakilala niya na yung taong hinahanap niya kusa niya itong matutukoy at mamahalin ng buong buo.
Sa facebook. Sa facebook na lang ako nakikipagusap, nakikipagkaibigan. Naghahanap ng makakausap na kahit papano makakaintindi ng kahibangan ko. Hanggang isang araw may nag-add sa akin. Malamang. Di naman dadami friends ko kung wala nag.add sakin. Pero itong nag-add sa akin may kakaibang sensasyon na dulot sa aking damdamin. Add button pa lang ang nakita ko, bigla akong kinutuban. Isang pamilyar at magandang kutob na parang naramdaman ko na.
ACCEPTED FRIEND REQUEST
Pinuntahan ko ang profile niya. Sinilip mga larawan niya ng isa isa. Sabi ng puso at isip ko, "KILALA NATIN SIYA". Ha? Imposible. Di ko siya kilala at di ko pa nakikita. Pero ang ganda niya, ang gwapo at the same time. "KAUSAPIN MO SIYA" sabi na naman ng kaloob looban ko. Nakakapanibago tong pakiramdam na dinidiktahan ako ng puso at kaluluwa ko. Sa unang pagkakataon hindi isip ko lang ang may gusto. Paulit ulit kong pinagmasdan mga larawan niya. Pakiramdam ko ito pa lang ang unang sulyap ng kaluluwa ko sa salamin. Parang matagal ko nang kilala tong taong toh. Si Jona, walang H. Jona lang talaga.
Di ko alam paano siya kakausapin. Kung pano niya ako mapapansin. Inaadd niya ako pero di niya ko kinakausap. Bakit niya ko inadd? Pampadami ng friends o nagandahan siya sa akin? Gusto niya ba ako makilala o wala lang. Nagiisip ako. Ilan araw na siya naka.add sa akin pero di pa kami naguusap. Ilang araw ko na rin binabalikan larawan niya sa profile niya. Lalo akong nagiging pamilyar sa pakiramdam na magkakilala na kami noon pa. Higit pa sa magkakilala.
NAGCOMMENT AKO. Mahilig pala siya sa music. Nagpost siya ng kanta na paborito ko at feeling ko kanta ng buhay ko. Ano na kasunod? Paano ko makukuha atensyon niya? Gusto ko siya makilala. Gusto ko siya makausap. ALAM KO may kakaiba talaga sa nararamdaman ko. Bakit ba gustong gusto ko mapansin niya ko? Bakit ba kasi ang gaan gaan ng loob ko sa kanya? Bakit ba kasi parang hinihili ako sa profile niya.
Patola . Nakakatuwa siya. Habang ako todo pacute sa kanya eto naman siya walang kamuwang muwang, walang malisya sa kanya lahat ng sinasabi ko. Sadya ba na malambing siya kahit kanino o sa akin lang? May mga napopost na ibang babae sa wall niya, ung iba friends daw niya, yung isa ex daw niya. NAGSESELOS NA KO. Gusto ko ako lang nilalambing niya Gusto ko ako lang hinaharot niya. Gusto ko walang katulad ang treatment niya sa akin. Ni hindi pa nga kami nagkikita.
"Uy Jona, malapit na birthday ko. Makakapunta ka ba?"
Paulit ulit sa isip ko. Kaso baka hindi siya magpunta kasi di naman niya ako kilala sa personal at wala siya kakilala sa mga kasama ko sa party. Bahala na pumunta na lang sino gusto magpunta.

BINABASA MO ANG
TWIN FLAMES (Undying Love)
RomanceMadami pagsubok ang kailangan nila pagdaanan . Ilang ulit na nagsasalin salin sa ibang katawan ang mga kaluluwa nila para maging matatag. Nakatakda ang kanilang pagsasama. Ito na ang huling buhay na ibinigay sa kanila para magtagpo at magsama. Para...